Kapamilya actress na si Arci Muñoz bumalik sa pag-aaral sa kolehiyo upang mag-aral ng lenggwahe ng mga Koreano dahil sa South Korean boy band na BTS



Marami ang bumilib sa Kapamilya actress na si Arci Muñoz dahil sa pagnanais nitong magbalik kolehiyo. Nagbahagi siya kamakailan lamang ng isang larawan kung saan ay nakaupo siya sa Palma Hall ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman campus at nabanggit pa nitong magbabalik kolehiyo na nga siya.


Narito ang naging caption ng aktres:
“Pure Nostalgia!! Wala pa ako picture dito sa building namin nung nagaaral pa ko sa U. P ’05 un. wala pa kasi camera fone ko noon. Nokia 8210 pa fone ko. Hihi ngayon balik eskwela na ko mag take na ko maraming pics!”




Si Ramona Cecilia Datuin Muñoz o mas kilala ng publiko bilang si Arci Muñoz ay nagtapos ng kaniyang kurso na “Theater Arts” sa Unibersidad ng Pilipinas. Matapos nito ay nagkaroon siya ng trabaho at sumali sa “Starstruck” ng GMA network taong 2005. Dagdag pa ng aktres na kumukuha ngayon ng short course sa “Foreign Language”, “Spanish” talaga ang gusto niyang pag-aaralang lenggwahe dahil sa “half-Spanish” siya ngunit sa kasamaang palad ay malimit puno na ang kursong ito kung kaya naman napagdesisyunan niyang “Korean Language” na lamang ang pag-aralan.
“Kasi Spanish po ako so every time we have gatherings, half-Spanish po ako, e, so pag kasama ko yung mga family members ko, all of them can speak Spanish.


Though I understand it’s hard. I’m not fluent. So parang yun po yung una kong gusto kong kunin. Pero…it’s so hard to get a slot sa UP. Sobrang hirap, parang first day pa lang, parang puno na lahat ng slots, so wala po akong mapuntahan.” Pahayag ng aktres sa panayam sa kaniya ng PEP.


Setyembre 7 nang magsimula ang kaniyang klase at tuwing Sabado ang kaniyang “schedule”. Ayon pa sa aktres ay masayang masaya siyang mag-aral muli sa kaniyang Alma Mater. At dahil fan na fan siya ng BTSo kilala din bilang “Bangtan Boys” ay talaga namang excited na siyang matutunan ang kanilang lenggwahe. Ang BTS ay isang all-male South Korean boy band na mayroong pitong miyembro na nabuo sa Seoul noong 2013.

Source: Pep






error: Content is protected !!