Maymay Entrata bumubuhos ang mga pagpapala: nagpapatayo ng bahay sa Camiguin at isa pa sa Japan!



Si Mary Dale Entrata ay mas kilala bilang si Maymay Entrata. Isang 22 taong gulang na aktres, mang-aawit, modelo, endorser, at host. Sumikat siya bilang grand winner ng reality television show na Pinoy Big Brother: Lucky 7 at sa pagiging pinaka-unang Pilipina na naging bahagi ng Arab Fashion Week. Bukod sa pagiging abala niya sa harap ng camera ay hindi rin siya nakakalimot na magbalik loob sa mga taong nangangailangan dahil sa charity organization na binuo nila ni Edward Barber at Laura Barber na “ELM Tree Foundation” na naitatag taong 2017 ika-19 ng Disyembre.



Sa kabila ng mga tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa buhay ay nanatiling mapagpakumbaba at mabuting tao nito. Hindi na nakapagtataka na ginagamit niya sa mabuti at pinaglalaanan ang maraming mga kapaki-pakinabang na bagay. Kagaya na lamang ng investment na kaniyang pinaglaanan ng pinagpaguran niyang pera. Sa ngayon ay mayroon na siyang pinapatayong tahanan para sa kaniyang pamilya sa Camiguin at isa pang tahanan para sa kaniyang ina sa Japan.

Labis labis naman ang pagpapasalamat ng aktres dahil sa matatapos na ang kanilang ipinapatayong tahanan at sa wakas ay nagkaroon na rin ng sariling tahanan ng kaniyang ina sa Japan sa tulong na rin ng kaniyang kuya na halos nasa 28 taon nang naninirahan doon.


“Kami po dalawa ng kuya ko ang naghahati doon. Pero hindi pa siya fully paid. Noong nakita niya ‘yung bahay, naiyak siya kasi 28 years na siya sa Japan tapos nagre-rent pa rin sila. Sobrang mahal po kasi ng renta doon,” pagkukwento ng aktres.


“Ngayon naiiyak siya kasi may sariling bahay na siya tapos hindi niya akalain na magkakabahay pa siya tapos masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” Dagdag pa niya.

Talaga namang bumabaha ng pagpapala para sa aktres dahil sa ika-2a7 ng Setyembre ay gaganapin ang “joint concert” nila ng kaniyang “on-screen partner” na si Edward Barber.



Source: VirtualPinoy




error: Content is protected !!