Sasakyan ni John Arcilla mayroong mini spa sa loob!



Si Romeo Gonzales Arcilla o mas kilala ng publiko bilang si John Arcilla ay 53 taong gulang na “international actor” at “environmentalist”. Naging kahanga-hanga ang kaniyang naging pagganap sa pelikulang “Heneral Luna” bilang si Antonio Luna at si Hagorn sa fantasy drama television series na “Encantadia”. Tunay nga na isa siya sa pinakamahusay at pinakabeteranong aktor ng kaniyang henerasyon. Kamakailan lamang ay pinahanga na naman niyang muli ang kaniyang mga tagahanga dahil sa panibagong tagumpay na kaniyang tinatamasa sa ngayon.


Ang sasakyan ng beteranong aktor ay isang Toyota Tourer na talaga namang ikinagulat ng publiko dahil sa mayroon itong “spa” sa loob. Ang nasabing sasakyan ay kayang magsakay ng 14 na katao ngunit dahil sa pinalagyan niya ito ng “mini spa” sa loob ay 12 katao na lamang ang kasya dito. Maaari pa ngang maging “couch” ang isang parte nito.



Sino ba naman ang hindi mawawala ang stress at pagod sa trabaho kung ganito ang iyong magiging pahingahan? Mayroon nang massage chair, at lamesa ay mayroon pa itong entertainment sytem. Sa kaniyang Instagram post ay inilarawan niya ito bilang “the best gift I have given myself this year so far.”


“Ang saya lang! Tapos may foot massage also! I feel so blessed and thankful to our Almighty for giving me the strength and stamina to do the things I love to do…” Dagdag pa ng aktor.
Bukod pa nga sa sasakyan na nagkakahalaga ng P1,605,000 hanggang P2,250,000 ay mayroon din siyang bagong bukas na negosyo sa El Nido, Palawan na tinawag niyang “Casa Heneral” na nagkaroon ng simpleng pagbabasbas noong ika-28 ng Agosto.


Sa tuwing may oras si John ay nagagawa pa niyang samahan ang kanilang mga bisita sa kanilang mga “day tours”. Ibinahagi nga niya itong muli sa kaniyang social media na mayroong pahayag na:
“Viva El Nido! Viva Casa Heneral! A Fantastic Sunday Monday posting. I personally accompanied my VIPs to stroll and island hop in Elnido. God bless everyone! May our people and country keep Palawan clean and protected. The world admire the amazing amazing Islands of Palawan. Wonder of the world in its real sense. God bless our Land. May God bless our Nature and its Resources! A wonderful Monday to everyone!” Pagkukwento pa ng aktor.



Source: Pep




error: Content is protected !!