Mag-asawang Doug at Cheska Kramer nanalangin at umaasa pa ring mabiyayaan sila ng anak matapos ang dalawang beses na pagkakabigo sa ginawa nilang IVF



Ang pamilya Kramer o Team Kramer na yata ang pinakasikat na pamilya ngayon sa industriya ng show business. Marami ang humahanga sa kanila dahil sa kanilang mga mabubuting aral na itinuturo sa kanilang mga anak at dahil na rin sa kanilang pagmamahal sa isa’t-isa bilang isang pamilya. Si Douglas Rimorin “Doug” Kramer ay 36 na taong gulang na Filipino basketball player sa Phoenix Pulse Fuel Masters sa Philippine Basketball Association (PBA). Siya ay ikinasal sa aktres na Si Cheska Garcia at biniyayaan sila ng tatlong mga anak na sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle at Gavin Phoenix.



Kamakailan lamang ay nasorpresa ang kanilang mga tagasuporta dahil sa kanilang plano na dagdagan pa ang kanilang masaya at magandang pamilya. Ngunit ang dating aktres pala ay sumailalim na noon sa isang “tubal ligation” matapos nitong isilang ang bunso nilang anak na si Gavin.


Ayon pa kay Doug magiging mahaba at kumplikadong proseso ito para sa kanilang pamilya ngunit ano man ang mangyari ay magiging matibay pa rin ang kanilang pag-asa at pananampalataya sa Diyos.


Nagbahagi rin naman sa kanilang social media posts ang mag-asawa patungkol sa espesyal na kwarto sa kanilang bagong-gawang tahanan. Ito ay ang kanilang “baby room” na unti-unti na nilang inaayos at nilalagyan ng mga kagamitan. Dalangin din ng pamilya Kramer na sana ay magamit na nila ang kwarto na iyon sa mga susunod pang panahon at nawa ay maibiyaya na sa kanila ang matagal na nilang ipinapanalangin na baby number 4.



Minsan pa ay nagbahagi ng inspirational message si Cheska para sa kanilang mga social media followers nito lamang ika-10 ng Setyembre. “They say that those who achieve great things in life show up, get started and take action. But sometimes, things don’t go according to plan no matter how intentional you are. It can really be heartbreaking. My way to move on is to trust that God knows what is best for me. There will be times that what I pray for is not exactly what He wills for me; and I must obey.



I’ll surrender it all to you, my Lord. After all, God will not do what I want but He will do what is good for me because He loves me. Thank you Lord because I know that you really really do.” Pahayag ng aktres.

Source: Pep