Mag-asawang Oyo at Kristine Hermosa-Sotto magkasamang ginagawa ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila, sikreto nila sa matatag nilang samahan!



Si Vittorio Mari Sotto ay mas kilala ng publiko bilang si Oyo Boy Sotto na 35 taong gulang na aktor at komedyante kagaya ng kaniyang ama na si Vic Sotto at dati nitong misis na si Dina Bonnevie. Enero 12, 2011 nang ikasal sila ng aktres na si Kristine Hermosa. Biniyayaan sila ng apat na mga anak. Si Kristian Daniel o Kiel na ipinanganak noong Agosto 16, 2008, si Ondrea Bliss na isinilang noong Disyembre 26, 2011. Sina Kaleb Hanns, na ipinanganak noong October 11, 2014, at ang bunso nila na si Marvic “Vin”Valentin Jr., na ipinanganak noong 2016. Siya ay isang born-again Christian at dumadalo sa “Victory”.



Kamakailan lamang ay nagsilbing inspirasyon sila para sa maraming mag-asawa ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Dahil sa kahit walong taon na ang kanilang pagsasama ay talaga namang mayroong kaligayahan at kagalakan sa kanilang mga puso bilang mag-asawa. Ang tanging sikreto lamang ng mag-asawa ay ang kanilang kagustuhan na gawin ang maraming mga bagay kasama ang isa’t-isa.


Kung mayroon mang mga magkasintahan o ibang mga mag-asawa na kuntento na o masaya na sa pagsuporta nila sa kani-kanilang mga interes iba naman ang gusto ng mag-asawang ito dahil mas pinili ni Kristine na mahalin din ang hilig ng kaniyang mister na si Oyo, ang “outdoor adventures” nito.


Taong 2014 nang sinamahan niya ang kaniyang asawa sa “mountain biking activities” nito. Nobyembre 2017 nang nagbukas ang mag-asawa ng “bike shop” na nagbebenta ng mga “Kona brand” isang bicycle company na nakabase sa Vancouver, British Columbia sa Canada.


Nang taon ding iyon nang nagkaroon ng interes si Kristine na mag-aral ng pagsakay sa motorbikes kung kaya naman nag-aral siya ng “riding course” sa Ducati Riding Experience. At mula noon ay naging kaligayahan na nila ang pagsakay sa motorbike sa mga panahong gusto nilang mag-bonding mag-asawa. Talaga namang nakakamangha ang mag-asawang ito!



Source: Pep




error: Content is protected !!