“Talent with a twist” ang ipinamalas ng tatlong guro na ito na patok na patok sa maraming mga netizens sa pagkanta ng “Ikaw at Ako”



Umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko ang tatlong guro na ito mula sa Fairhope Academy na nagpamalas ng kanilang mahusay na rendisyon ng kantang pinasikat ni Moira Dela Torre at ng asawa nitong si Jason Marvin. Ang viral video ay ibinahagi ng guro na si Mariflor Arandia Escala sa Facebook noong September 20.



Maraming mga netizens ang natuwa sa naging song cover ng mga guro dahil bago matapos ang kanilang kanta ay mayroong kakaibang twist ang viral video ng mga gurong ito. Labis na ikinamangha ng publiko ang awiting may pamagata na “Ikaw at Ako.” Sa unang bahagi ng video ay mapapansin ang malamig at malumanay na pag-awit ng dalawang guro sa magkabilang gilid. Sila ay sina teacher Zenny Tayum Benlot at teacher Cams Ramilo


Ngunit ang gumulat sa publiko ay ang nakakabilib na confidence na pag-awit ni teacher Mariflor na nagpamalas ng kaniyang boses na punong-puno ng confidence. Narito ang naging pahayag ng ilang mga netizens patungkol sa nakakabilib na rendisyon ng mga gurong ito:

“Hahaha! Grabe naman si Ma’am mahusay na plus talented pa. Sana all,” sabi ni JPA.


“Hoy, bi! Hahaha! Baliw! Miss you! Ikaw na ikaw pa rin iyong nakilala ko. Diyos ko,” ani WA.
“Hahahaha! Nice! Laughtrip,” sabi naman ni KVC.
Sa ngayon ay mayroon nang 105,000 reactions ang song cover ng mga guro sa Facebook. Umabot na rin ito ng mahigit sa 3.1 million views tatlong araw matapos na ma-upload ito sa social media.



Tunay ngang nakakabilib ang mga natatagong talent ng ating mga guro. Hindi na kataka-kataka na umani ito ng maraming mga komento at positibong reaskyon mula sa publiko. Talaga namang nakakatanggal pagod at stress ang kanilang viral video. Tila ba isang malamig at sariwang hangin sa pakiramdam. Sana ay mas marami pang mga guro ang maging kasing ligaya ng mga gurong ito lalo na sa pagpapamalas ng kanilang mga talento sa publiko.




error: Content is protected !!