Catriona Gray tinanghal na “Woman of the Year” ng isang magazine!



Si Catriona Elisa Magnayon Gray ay 25 taong gulang na Filipino-Australian na modelo, mang-aawit, at beauty pageant title holder na kinoronahan bilang Miss Universe 2019. Talaga namang kinabiliban siya ng maraming mga Pilipino sa kaniyang pagbibigay karangalan sa mga Pilipino dahil sa pagtataas niya ng bandera nito sa buong mundo. Bukod pa nga sa korona ng prestihiyosong patimpalak na Miss Universe ay nakapag-uwi na naman siya ng isa pang karangalan para sa ating bansa.



Kamakailan lamang ay itinanghal siyang “Woman of the Year’ sa “XAGA” “Xpedition Annual Gala Awards” ng isang luxury publication na “Xpedition Magazine. Binansagan din siya bilang “Best Miss Universe Ever!” na talaga namang nakakataba ng puso at nakaka-proud bilang isang Pilipino upang makilala ang isang kababayan natin sa larangan ng beauty pageants.


Labis naman ang naging pasasalamat ni Catriona dahil sa pagpuri at pagkilala sa kaniyang mga ginagawa. Dagdag pa niya, sa tuwing magkakaroon siya ng oportunidad na maibahagi sa ibang tao ang kaniyang mga ginagawa ay sinasabi niyang hindi naman kailangan pa ng anumang titulo, posisyon o korona ang paggawa ng kabutihan sa ibang tao at maging sa buong komunidad.



Talaga namang umani ng maraming mga komento at papuri ang beauty queen title holder mula sa maraming Pilipino. Tunay ngang hindi lamang siya maganda sa kaniyang panlabas na kaanyuan kung hindi maging sa kaniyang mga ginagawa at sinasabi sa kaniyang kapwa.


Isa siyang tunay na inspirasyon para sa maraming mga Pilipino na mayroong pangarap sa buhay hindi lamang para sa kanilang mga sarili kundi higit sa lahat ay para sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay. Ang tagumpay ay hindi nakakamit ng biglaan bagkus ito ay pinaghihirapan at pinagsusumikapan.

Nawa ay marami pang mga Pilipino lalo na ang mga kabataang ang maimpluwensiyahan niya sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay. Tunay nga na karapat-dapat siya sa lahat ng pagkilala at tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon.




error: Content is protected !!