Guro nagpakain ng isang masarap na merienda at inumin para sa kaniyang mga estudyante na nagsasagot ng exam, umani ng maraming papuri at komento mula sa publiko!



Ang pagiging guro ay isa sa pinakamarangal na propesyon ng isang tao. Hindi ito madali at talaga namang nangangailangan ng puso at pagnanais na makapagturo sa mga kabataan. Ang mga guro din ang nagsisilbing ikalawang magulang ng marami sa atin sa labas ng ating tahanan.



Ngunit kamakailan lamang ay marami ang humanga sa guro na ito na labis labis ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kaniyang mga estudyante, sa katunayan nga ay naghanda pa siya ng isang maliit na salo-salo at simpleng merienda para sa kaniyang mga estudyante matapos ang kanilang exam o pagsusulit sa paaralan.


Siya ay nakilala bilang si Arnulfo Burlas Jr. na isang guro mula sa Zamboanga City. Nanlibre lang naman siya ng mga soda float mula sa isang kilalang fast food chain at tatlong kahon ng pizza para sa kaniyang 49 na mag-aaral. Nais ng guro na mas ganahan pa ang mga bata na mag-aral at magkaroon sila ng motibasyon sa kanilang pag-aaral. Dagdag pa ng guro ay mas marapat lamang na manguna ang pagmamalasakit sa pagtuturo upang mas magabayan at maturuan ang mga mag-aaral.


Maraming mga netizens ang natuwa sa ginawang ito ng guro. Hindi akalain ng ilan na mayroon pang isang guro na katulad niya na maglalaan ng sarili niyang pera para sa kasiyahan ng kaniyang mga estudyante. Hindi napigilan ng ilang mga netizens ang ipaabot sa guro ang kanilang paghanga at pagpuri sa ginawa niyang ito para sa kaniyang mga estudyante. Tunay ngang hindi lahat ng tao ay makakayang gawin ang kaniyang ginawa lalo na at alam naman natin na hindi din naman gaanong malaki ang sinusweldo ng ating mga guro.


Ngunit kung ating pag-iisipang mabuti, hindi naman ang pera o materyal na bagay ang napansin ng mga tao tungkol dito kundi ang kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit na kaniyang ipinamalas sa kaniyang mga estudyante. Nakakamangha naman talaga ang guro na ito. Sabi nga ng maraming “millennials” ngayon. “sana all”.






error: Content is protected !!