Barbeque sticks ang gamit ng mga mag-aaral na ito sa paggawa nila ng kamangha-manghang “architectural landmarks” na umani ng maraming papuri at komento mula sa publiko



Mga mag-aaral sa Nueva Ecija ay nakagawa ng isang napakaganda at kamangha-manghang “architectural landmarks” gamit lamang ang mga barbeque sticks. Mga mag-aaral mula sa kurso na Architecture sa pangunguna ni Angelo Angulo na at mga kamag-aral nito sa Nueva Ecija University of Science and Technology ang nagbahagi ng kanilang “scale model” ng ilang mga “architectural landmarks”. Ayon sa pahayag ni Angulo ang kanilang nilikha ay bahagi ng proyekto ng kanilang klasensa Visual Technique 3.



Ilan sa mga nakakamanghang likha niya at ng kaniyang mga kamag-aral ay ang Paris’ Eiffel Tower, ang Arc de Triomphe, ang Dubai’s Burj Al Arab, ang Empire State Building ng New York, Big Ben ng London at marami pang iba. Hinangaan ng maraming mga netizens ang kanilang mga likha at talaga namang pinuri ang mga estudyante na nasa likod ng pambihirang proyekto na ito.
Narito ang komento ng ilang mga netizens:


“Galing nila! Mga Pilipino talaga very creative, kudos din sa Professor na nagbigay sa kanila ng assignment na ito.” Pahayag ni C. Opurt.

“Ang gagaling n’yo naman po, husay ng mga kamay ninyo at ang gaganda ng gawa n’yo. Proud ako sa inyong lahat.” Komento naman ni J. Olaguer.


“Ang galing. Ang swerte naman nila may mga talent na ganyan pero bakit parang walang landmark para sa Pinas?” Ayon naman kay P. Wenang.



“Marami pa pong architectural landmarks na ginawa naming mga NEUST 2nd yr arki students. May mga Philippine landmarks din po pero hindi ko lang nakuhanan ng pic lahat kasi nasa office na ‘yung karamihan.” Ito naman ang naging sagot ni Angulo sa naunang komento ng netizen.

Tunay nga na hindi mo aakalain na makakagawa ng magaganda at nakakabilib na obra maestra ang mga mag-aaral na ito. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na umani sila ng papuri at paghanga mula sa mga tao na makakakita nito.




error: Content is protected !!