New look ni Megastar Sharon Cuneta patok na patok sa mga kapwa celebrities lalo na sa mga netizens!



Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan o mas kilala ng publiko bilang si Sharon Cuneta ay 53 taong gulang na mang-aawit, aktres, talk show host, commercial ad endorser at reality show judge. Mayroon na siyang nagawa na 54 na mga pelikula, 10 television shows, 40 albums at nakapagtrabaho na din siya bilang isang celebrity endorser sa ilang mga produkto at serbisyo.



Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko lalo na ang kaniyang mga tagahanga na nagpagupit pala siya ulit ng buhok kagaya noong siya ay pasikat pa lamang. Mayroon ding mga bali-balita tungkol sa pakikipag-ayos niya sa dating asawa at on-screen partner na si Gabby Concepcion na anak rin ng kaniyanh panganay na si KC Concepcion.


Nasorpresa din ang marami dahil sa diumano ay magreretiro na ang beteranang mang-aawit sa pagkanta at maging sa pag-arte. Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon tungkol dito.

Minsan pa nga ay naging matunog na naman ang pangalan ni Mega star Sharon Cuneta dahil sa kaniyang bagong hairstyle na talaga namang pinagkaguluhan ng publiko at maging ng ilang mga celebrities dahil sa lalo siyang mas naging bata sa kaniyang mga kuhang larawan habang ipinapakita ang maiksi niyang buhok.
“It was time for my very stressed-out and almost damaged long hair of many years to rest. So I had a haircut tonight. Chopped it all off! I missed my short hair so much,” Pahayag ng beterenang mang-aawit.


Agad namang nag-viral ang kaniyang post na umani ng maraming mga komento mula sa mga netizens at kapwa nya mga artista. Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit sa 70,000 likes ang nasabing post.



Ilan nga sa nagkomento sa kaniyang bagong haircut ay ang kaniyang anak-anakan na si Angeline Quinto. Habang komento naman ni Asia’s Nightingale na bagay na bagay raw kay Sharon ang kaniyang bagong haircut. Aprubadong-aprubado din naman ito kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.




error: Content is protected !!