Viral ngayon ang video ng isang estudyanteng aakalain mong si Spiderman habang hinahanap siya ng kaniyang kamag-aral na nakapiring!



Marahil ay nakasanayan na nating lahat ang pagiging abala ng marami sa atin sa loob ng paaralan. Kung hindi nga mga leksyon at mga proyekto ang ating ginagawa ay abala naman ang marami sa atin sa paghahanda para sa maiksing pagsusulit o di kaya naman ay paminsan-minsang paglilinis ng buong silid-aralan. Kani-kaniya tayo ng mga masasayang ala-ala ng ating pag-aaral sa elementarya, sa hayskul, o maging sa kolehiyo na talaga namang mahirap kalimutan at sadyang nakatatak na sa ating puso at isipan.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang nakakatuwang video na ito ng isang buong klase na tila nagkakasiyahan ng husto. Ang nasabing viral video ay ibinahagi ng isang Mark Joseph Serondo na sa ngayon ay umani na ng higit sa isang milyong mga views. Siya ay isang mag-aaral mula sa Catalunan Pequeño National High School sa Davao City.

Setyembre 20 ng ibahagi ang nasabing video sa social media kung saan makikitang nagkakasiyahan ang isang buong klase sa libre nilang oras. Habang nagkakatuwaan ang magkakaklase ay nasorpresa ang marami sa pambihirang kakayahan ng isa sa mga estudyante. Aakalain mo ba na tila nagkaroon siya ng isa sa mga kapangyarihan ni Spiderman? Ang kakayanang magtagal sa ere o kaya naman ay sa mga dingding o pader ng isang gusali o bahay.
Isa sa kaniyang mga kamag-aral ang nakapiring at tila nangangailangan na makahawak ng isa sa iba niyang mga kaklase upang hindi na siya maging “taya” o nang tuluyan na niyang matanggal ang kaniyang piring sa mata.




Sadyang manghang-mangha naman ang mga nakakita sa estudyante na nag-ala Spiderman sa loob ng kanilang silid-aralan kung saan nakaalalay ang kaniyang mga kamay sa bintana at pisara ng kanilang silid-aralan. Umani ang viral video ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko. Marami ang nasiyahan at labis na natuwa sa nasabing video.

Tunay nga na kahit pa subsob tayo sa pag-aaral ay hindi rin naman masama na paminsan-minsan ay magsaya at makipag-bonding sa ating mga kamag-aral at kaibigan.

Source: Facebook




error: Content is protected !!