Yorme Isko maaaring makasama ni Coco Martin sa programang “FPJ’s: Ang Probinsiyano”



Si Francisco Moreno Domagoso ay 44 taong gulang na dating aktor at pulitiko. Siya ngayon ang nanunungkulan bilang ika-27 alkalde ng siyudad ng Maynila. Dati rin siyang bise alkalde ng Maynila na kapital ng Pilipinas. Sa ngayon ay mayroon ngang kumakalat na bali-balita patungkol sa posibleng pagsasama nila ng teleserye King na si Coco Martin sa programa ng ABS-CBN network na “Ang Probinsiyano”. Nagbigay rin ng pahayag ang 37 taong gulang na si Rodel Pacheco Nacianceno o mas kilala ng publiko bilang si Coco Martin na siya mismo ang sumadya at humingi ng “appointment” sa abala at masipag na alkalde.



Talaga namang umani ng sari-saring komento mula sa mga netizens ang mga kumakalat na larawan nina Mayor Isko at Coco Martin. Inamin din naman ng huli na matagal na niyang hinahangaan ang alkalde at matagal na rin silang magkakilala.


“Matagal ko na siya nakasama sa isang teleserye. Nakipag-appointment ako sa kanya and may pinag-usapan kami,” Ito ang naging maiksing pahayag ng “Ang Probinsiyano”actor.


Hindi man nagbigay linaw ang aktor na si Coco Martin patungkol sa kumakalat na bali-balita ay talaga namang kinasasabikan na ito ng marami. Nang tanungin nga si Coco patungkol dito ang naisagot lamang niya ay “Surprise!”


Ito naman ang mariing sagot ng alkalde tungkol sa isyu:
“Hindi pa naman po. Meron lang kaming project na pinag-usapan,”
Bukod pa sa sikat na sikat na alkalde ngayon na hinangaan ng maraming mga tao ay mayroon pa diumanong tatlong Hollywood actors na magge-guest sa naturang teleserye. Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nakukumpirma.



Si Coco Martin ay isang aktor, direktor, at film producer. Nakilala rin siya noon sa natatangi niyang pagganap sa Juan dela Cruz at sa isa sa pinakamahaba at pinakamatagal na teleserye sa Kapamilya network na “FPJ’s Ang Probinsyano”. Kailan nga kaya natin makikita ang “Batang Quiapo” at “Ang Probinsyano.”




error: Content is protected !!