“Forever and always” ang ilan sa mga katagang nasambit ng nobya ni Darwin Dormitorio para sa pamamaalam nito sa kasintahan



Ang nobya ni Darwin Dormitorio na si Ashley Ravidas ay nagpahayag na nga ng kaniyang huling pamamaalam para sa kaniyang minamahal. Nakasanayan na niyang tawagin ito na “My Cadet”. Ang emosyonal na mensahe ni Ashley ay talaga namang umantig sa puso ng maraming mga tao.


“It’s not easy loving a soldier, loving you has a high price to pay. I know my Cadet is watching over me, guiding me always. Continue serving up there, do what you love the most. I know you’re in good hands right now. Rest well, my baby. I love you b, forever and always.” Pahayag ni Ashley.



Hinangaan at pinuri ng nobya ang kaniyang yumaong kasintahan dahil sa pagiging matapang nito. Ayon pa sa dalaga ay tiyak na mamimiss niya ang katapangan na iyon ng kaniyang nobyo. Tinawag din nitong bayani ang kaniyang yumaong minamahal.



“You will always be remembered, love. You’re truly a hero, the plebes and future aspiring cadets owe their lives to you. Sad that it has to happen this way.” Dagdag pa niya.
Marami ang nagbigay ng mensahe at pagsimpatya para kay Ashley at sa pamilya ng yumaong kadete. Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class na si Darwin Dormitorio ay naihatid na sa kaniyang huling hantungan noong Setyembre 25.

“He talks about serving the country. Every time we had talks about social issues, I would tell him: ‘Bhe, I don’t like it anymore here in the Philippines. We will go abroad, it is so rotten here.’ And he would always tell me not to worry as once he became a soldier, he will use all his powers to change the Philippines. ‘So just wait and don’t give up.’” Paglalarawan ni Ashley kay Darwin noong nabubuhay pa ito.


Tunay ngang napakasakit mawalan ng minamahal. Ngunit kahit pa nga wala na sila ay patuloy at patuloy pa rin tayong lumalaban at nagpapatuloy sa buhay sa kabila ng sakit, pighati at pangungulila.






error: Content is protected !!