“Imperfect but perfect”, paglalarawan ni Billy Crawford sa kaniyang misis na si Coleen Garcia



Si Billy Joe Ledesma Crawford o mas kilala sa industriya ang show business bilang si Billy Crawford ay 37 taong gulang na Filipino-American singer, songwriter, dancer, actor, comedian, at television host.



Siya ay naging host ng ilan sa mga kilalang programa sa ABS-CBN ay ang Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines, naging isa rin siya sa mga hurado ng World of Dance Philippines. Siya ay ikinasal sa 27 na taong gulang na aktres, modelo, at television personality na si Coleen Garcia sa Balesin Island noong 2018.


Kamakailan nga lamang ay pinakilig niya ang publiko dahil sa napakasweet nitong mensahe para sa kaniya asawa na si Coleen dahil sa kaarawan nito. Isinalarawan niya ang misis niya bilang “imperfect but perfect wife”.


Ang mapagmahal na mister ay nangako na mamahalin pa niya lalo ang kaniyang asawa ng kaniyang buong buhay. “I love you till my last breath. God blessed all of us by giving you! Enjoy this day especially because it’s your day, and I will try not to be as whiny as I normally am. Hehe. Key word is try!”
Si Danielle Claudine Ortega Garcia o Coleen Garcia ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan nito lamang Setyembre 24 at labis siyang nagpasalamat para sa nakakakilig na mensahe ng kaniyang kabiyak. Nagdiwang ng kaniyang kaarawan si Coleen sa Dubai.


It’s my second time in a row to spend my birthday away from friends and family, but I’m so grateful that I get to spend the day working in this beautiful place, which I‘m exploring and enjoying for the first time. Also happy that you’re here, my love. Thank you, Lord, for the blessings, the lessons, and the gift of life!” Pahayag ni Coleen.



Nito lamang Abril ay nagdiwang ang mag-asawa ng unang taon nilang anibersaryo bilang mag-asawa.
“You’ve taught me so much in the past year, and I love learning with you every day. I love how hard we work to be better for each other.” Ito ang naging bahagi ng mensahe ni Coleen para sa kaniyang mister.




error: Content is protected !!