Jennylyn Mercado nagbigay ng magandang regalo para sa kaniyang inaanak na si Katie, reaskyon ng bata ikinatuwa ng mga netizens



Si Maria Katrina Iren Pe Halili o mas kilala ng publiko bilang si Katrina Halili ay 33 taong gulang na aktres, commercial model at businesswoman. Siya ay una nang nakilala nang sumali siya noon sa programa ng GMA na Starstruck. Nakilala din siya bilang isa sa pinamahusay na kontrabida at sa ngayon ay mayroon na rin siyang ilang mga programang pinagbibidahan bilang maamo at mabait na bidang karakter. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng maraming mga netizens ang naging reaskyon ng anak ni Katrina na si Katie sa regalo sa kaniya ng kaniyang ninang na si Jennylyn Mercado.



Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi nga ni Katrina Halili kung paano niya sinorpresa ang kaniyang anak sa regalo ng kaniyang ninang para sa kaniya. Si Katie ay nakatanggap ng isang malaking “Peppa Pig doll house” mula kay Jennylyn na mayroon pang kasama na mga accessories. Nais ni Katrina na magpasalamat ang anak sa kaniyang ninang kung kaya naman kinuhanan niya ito ng video habang tinatanggp ang kaniyang regalo.


Ngunit hindi naman akalain ni Katrina na magiging masyadong excited ang kaniyang unica hija na paglaruan ang bago niyang “doll house”. Halos nakagawa si Katrina ng tatlong video clips para lamang makuha ang mensahe ni Katie para kay Jennylyn. Mayroon pa ngang isang video kung saan sinasabihan pa ni Katrina ang kaniyang anak na babawiin ng ninang nito ang regalo kung hindi siya magpapasalamat dito. Talaga namang marami ang naka-relate sa naging sitwasyon ng mag-ina at marami din ang natuwa at na-cute-an dito.


“Hahahahaha! Happy naman talaga siya ninang @mercadojenny excited lang siya. I love you! Thank you. Sorry naman anak, may pananakot si mama ang dami na nga pa lang thank you.” Natatawang pahayag ng aktres.


“You’re welcome, Katie labs! Grabe ‘yung pagpilit mo! Excited nga siya eh! Hayaan mo na kasi.” Sagot naman ni Jennylyn.