Categories: NewsShowbizViral

Marian Rivera nagpasalamat sa mga netizens na labis na humahanga sa kaniyang mga anak na sina Zia at Ziggy

Si Marian Rivera Gracia-Dantes o mas kilala ng marami bilang si Marian Rivera ay 35 taong gulang na modelo, mananayaw, product endorser, at Kapuso actress. Siya ay nakilala dahil sa natatangi niyang pagganap sa mga programang MariMar, Dyesebel, Amaya, and Temptation of Wife. Disyembre 30, 2014 nang ikasal siya sa aktor, host, at mananayaw na si Dingdong Dantes. Nobyembre 23, 2015 naman nang isilang niya ang panganay nila na si Maria Letizia habang nito lamang Abril 16, 20109 nang biyayaan muli sila ng isa pang anak na pinangalanan nilang Jose Sixto G. Dantes.

Sa ngayon nga ay talaga namang hands-on sa pag-aalaga ng kaniyang pamilya lalo na sa kaniyag dalawang mga anak si Marian. At hindi nga din maipagkakaila na ang kaniyang mga anak ay sobrang mahal na mahal din ng kanilang mga kaibigan, mga tagahanga, at mga tagasuporta. At tulad na lamang ng iba pang mga ina ikinagagalak ito ng puso ni Marian at ipinagpapasalamat niya ito sa publiko. Sino nga ba naman ang hindi hahanga at hindi mapapamahal sa cute na cute na sina Baby Ziggy at Ate Zia?


“Naku, nakakatuwa. Sabi ko nga, maraming salamat sa nagmamahal sa mga anak ko, ‘di ba? Nakakatuwa kasi kahit ako rin, eh, aliw na aliw ako sa mga anak ko.” Pahayag ng Kapuso Primetime Queen.

Si Ate Zia ay magdiriwang na ng kaniyang ika-apat na kaarawan sa darating na Nobyembre. At talaga namang sa murang edad ay kakakitaan na siya ng pambihirang talento at angking kagandahan. Nang tanungin naman si Marian patungkol sa kung paano sila nagdedesisyon sa mga ieendorsong produkto ni Zia, isa lang ang kaniyang sagot dito. Ayon sa kaniya ay tinatanong din nilang mag-asawa ang kanilang panganay na anak kung nais ba niyang gawin o tanggapin ang proyekto.

“Bago namin tanggapin ang isang produkto, tinatanong namin siya, ‘Pwede ka ba? Gusto mo ba ‘to?’ Kasi nakakapagsalita na naman siya, eh. Nakaka-decide na siya.” Komento ni Marian.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago