Kawawang GrabFood driver kinailangang ibenta sa mababang halaga ang 14 na bote ng milktea dahil sa pagcancel ng kaniyang customer



Kamakailan lamang ay naging maugong na usapin sa social media ang kawawang GradFood driver na ito na napilitan na lamang ialok at ibenta ang 14 na bote ng milktea sa mas mababang halaga sa labas ng isang mall sa Pasay City dahil sa bogus buyer nito ay hindi na nagpakita pa sa kaniya upang kunin at bayaran ang kaniyang inorder.



Ito ay ibinahagi ng isang Krizia De Lara sa kaniyang Tweet. Ayon sa kaniyang viral post ay nais na lamang ng kawawang GrabFood driver na mabawi ang P1,900na kaniyang pinuhunan dito. Dagdag pa ng netizen ay narinig pa niya ang lalaki na nagsabing luging-lugi na siya at wala na siyang pangbili ng gatas.
Talaga namang ikinagalit ng maraming mga netizens ang pangyayaring ito. Tunay ngang hindi patas at hindi makatarungan ang ginawa ng customer na iyon sa isang tao na ang gusto lamang ay kumita ng kaunti para sa kaniyang pamilya at mga anak. Sa halip na magkaroon ng kaunting kita para sa mga mahal sa buhay ay nagagawang pa ng ibang tao, at kapwa pa Pilipino sa sarili nating bayan na gawin ito sa isang Pilipino din.


Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa maraming mga netizens sa social media ang nasabing post. Maraming mga concerned netizens na nagsasabi na dapat sana ay mayroong “buyer and seller protection program” upang maprotektahan ang magkabilang panig. Mayroon din namang mga nagkomento na maaari naman sigurong tanggalin ng “Grab” ang COD option o ang “Cash on Delivery” at palitan na lamang ng ibang mga pamamaraan kagaya na lamang ng E-wallet at iba.


Maaalalang hindi ito ang kauna-unahang beses na nangyari ito sa isang GrabFood driver. Tunay nga na kung hindi ito mabibigyang pansin ng kinauukulan ay mas marami pa ang magdudusa at maapektuhan nito lalo na yaong mga tao na nagsusumikap lamang sa buhay at nagtatrabaho ng maayos.




error: Content is protected !!