Single mom napagtapos ng medisina ang kaniyang anak sa pagtitinda ng isda, nakapasa pa sa 2019 Physician Licensure Exam a!



Hinangaan ng publiko ang nanay na ito dahil sa pagpapatapos niya ng kaniyang anak na lalaki sa “Med School”. Sa ngayon ang nanay na ito ay inaani na ang kaniyang pinaghirapan at pagpapagal para sa kaniyang anak dahil sa nakapasa na nga sa 2019 Physician Licensure Exam ang kaniyang anak.



Ang single mom na ito ay iniwanan ang kaniyang mister nang malaman na mayroon na pala itong ibang pamilya. Siya ay nakilala bilang si Nanay Nanita Ronquillo na talaga namang nagsumikap para sa kaniyang anak.


Ang kaniyang anak na si John Nico Ronquillo ay maliit na musmos pa lamang nang iwanan ni Nanay Nanita ang kaniyang hindi tapat na asawa. Hindi na nga naghanap pa ng sustento ang misis mula noon at mas nagpursigi pa sa buhay para sa kaniyang mahal na anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga isda. Dahil na rin sila tulungan ng dating asawa ni Nanay Nanita ay hinayaan na lamang nila ito at sila na lamang ang nagtulong sa buhay.


Kahit pa nga mag-isang anak lang si John Nico ay hindi ito naging isang “spoiled brat”. Masipag pa nga niyang tinutulungan ang kaniyang ina sa pagtitinda nito ng isda sa palengke. Ayon pa kay John Nico, kahit pa nga sinusukuan na niya noon ang kaniyang pag-aaral.


“Kahit na may pagkakataon na ako mismo, suko na ako sa pag-aaral ko, andyan siya para sabihin na tuloy lang kaming dalawa,” John Nico said. “Simula pa noong bata hanggang lumaki na ako ng ganito hanggang sa maging doctor ako, hindi niya ako binitawan.” Pahayag ni John Nico.




Sa ngayon ay nakapasa na nga sa 2019 Physician Licensure Exam at iniaalay niya ang kaniyang naging tagumpay para sa kaniyang mapagmahal at matiyagang ina.

“Mama, alay ko po sa iyo ang tagumpay na Ito. Sa buong apat na araw ng board exam, kasabay ko syang gumising, kasama ko syang pumunta ng testing center, naghihintay sya sa labas At nagdarasal habang nageexam ako, kasamang nagrereview at gumigising sa akin nung mga oras bumibigay na ako sa antok. Kasamang sumigaw, tumalon, at umiyak nung nalaman kong pasado At lisensyadong Doktor na ako.” Buong pagmamalaking ibinahagi ni John Nico sa kaniyang social media account.




error: Content is protected !!