Online ukay-ukay business ni Kylie Padilla para makatulong sa ibang tao umani ng paghanga mula sa publiko!



Si Kylie Nicole Sicango Padilla-Abrenica o mas kilala ng publiko bilang si Kylie Padilla ay 26 na taong gulang na Filipino-Australian na aktres, modelo, at recording artist. Siya ay anak ng beteranong action star na si Robin Padilla.



Hinangaan siya dahil sa kaniyang angking kagandahan, sa kaniyang talento sa pag-arte, at sa kaniyang pagiging isang Muay Thai practitioner. Siya ay misis ng Kapamilya actor na si Aljur Abrenica. Ikinasal sila nito lamang Disyembre 11, 2018. Sila ay biniyaan ng mga anak na si Alas Joaquin Abrenica at malapit na rin nilang masilayan ang kanilang ikawalang anak na malapit nang isilang ng aktres.


Kamakailan nga lamang ay pinuri ng publiko si Kylie dahil sa pagbubukas nito ng isang maliit na online shop na pinangalanan niyang “My Little Ukay-Ukay”. Ang kaniyang online business ay nagtatampok ng kaniyang mga damit, ng mga kasuotan ng kaniyang asawa at ng kanilang panganay na si Baby Alas. Ayon sa aktres nais niya itong gawin upang makapagsimul ang simple sa kanilang buhay.


“I survived how it is like to live out of my car with one bag of clothes and since I know I can survive that I knew it was time to downsize my life and give away everything I don’t need and donate it to someplace better.” Ito ang naging pahayag ng aktres sa kaniyang social media post.



Dagdag pa ng aktres ay simula pa lamang ito ng mga proyekto na nais niyang gawin sa mga susunod pang panahon. “I don’t get much from my preloved shop but what I do get is knowledge and a place to fa!l and learn in order to prepare for bigger things [praying hands emoji] and bigger dreams I want to make happen.” Dagdag pa ng aktres.



Kahit pa nga nasa “third trimester” na ang aktres ay nagagawa pa rin nitong gawin ang ilang mga bagay na kaniyang kakailanganin sa kaniyang magiging negosyo sa hinaharap.




error: Content is protected !!