Rissa Mananguil, prayoridad ang pamilya kung kaya naging matagumpay sa kaniyang negosyo



Labis na ipinagpapasalamat ni Rissa Mananquil-Trillo sa kaniyang mister na si Paolo at sa kaniyang mga anak na sina Enzo, Audra, at Celestia ang tagumpay ng kaniyang cosmetic business.



Ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa sikat na modelong si Rissa Mananquil-Trillo, ang kaniyang buong pamilya ang naging dahilan kung kaya naging matagumpay ang kanuyang negosyo na “Happy Skin”, ito ay ang cosmetic business kung saan siya ay isa sa mga owner. Inspirasyon sa marami pang mga ina ng tahanan ang kaniyang pahayag na ang kaniyang pamilya mismo ang kaniyang prayoridad.


“When you know what your priorities are, it’s easier to know what you need to say yes and no to. If it’s a toss-up between being present at one of my daughters’ school presentations or attending a work meeting, it’s the latter that I will try to adjust.” Pahayag niya.



Kahit pa nga ang kaniyang negosyo noon ay nasa planning stage pa lamang ay hindi na siya nagdadalawang isip pa na isangguni ang kaniyang mga plano sa kaniyang msiter na si Paolo. Ayon pa sa kaniya, ginagawa niya talaga ito dahil sa batid niya na ang pagsisimula ng isang negosyo ay nangangahulugan rin na mababawasan ang magiging oras niya sa kaniyang pamilya.


Dagdag pa niya ay mas nararapat din talagang magtanong sa mga taong malalapit sa iyo sa mga ganitong panahon, maaarinng sa iyong mga magulang kung nakatira ka pa sa kanilang poder o di kaya naman ay sa iyong asawa dahil sa sila din naman talaga ang mas maaapektuhan sa mga desisyong gagawin mo sa hinaharap. Mas mainam din diumano na mayroon kang matatag na “support system” sa iyong pamilya na makakatulong ng malaki sa pag-abot mo ng iyong mga plano.


Ang 39 na taong gulang na modelo, entrepreneur, at manunulat ng libro na mayroong pamagat na “Read My Lips” ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming mga kababaihan at lalo na sa maraming mga ina ng tahanan na nais pang makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay kahit pa mayroon na silang pamilya.




error: Content is protected !!