Categories: NewsShowbizViral

Derek Ramsay nag-react sa isang netizen nang pagkumparahin sila ni Gerald Anderson!

Si Derek Arthur Baggao Ramsay Jr. o mas kilala ng publiko bilang si Derek Ramsay ay 42 taong gulang na British-born Filipino model, aktor, host, at dating VJ. Siya ay ipinanganak sa England at lumaki sa Cainta, Rizal.

Hinahangaan siya ng marami dahil sa angkin niyang kagwapuhan, talento sa pag-arte, at sa kaniyang magandang pangangatawan. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya ng publiko dahil sa kaniyang pagiging malapit sa Kapuso actress na Andrea Torres. At kasabay din nito ang kaniyang pag-alam sa komento ng isang netizen sa kaniyang patungkol sa paghahalintulad sa kaniya sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

ito ang naging mapangahas na pahayag ng netizen sa aktor na si Derek Ramsay:
“Same feathers with @andersongeraldjr. ‘Yung chuchuhakin lahat na makatrabaho”
Ito ay matapos mapabalita ang pagkakaroon nila ng relasyon ng kaniyang leading lady sa Kapuso television series na “The Better Woman” na si Andrea Torres.

Agad naman itong pinabulaanan ng aktor at sinabing:
“Sino sa mga leading ladies ko ang naging gf ko?” Pahayag ng aktor.
Maging ang ilan sa kaniyang mga tagasuporta at tagahanga ay ipinagtanggol siya patungkol sa walang basehang komento sa kaniya ng nasabing netizen. Maaalala na ang aktor na si Gerald Anderson ay nasangkot sa kontrobersya patungkol sa diumano ay pangbabae at pangloloko nito sa noon ay karelasyon niyang si Bea Alonzo kung saan nadawit din ang pangalan ng Kapamilya actress na si Julia Barretto. Talaga namang naging isang napakalaking kontrobersya nito at maraming mga Pilipino rin ang tumutok sa nasabing kontrobersya hanggang sa unti-unti na itong humupa hanggang sa ngayon.

Hindi rin naman pinalampas ni Derek ang isa pang netizens na nagkomento sa ibinahagi niyang larawan ng kaniyang pamangkin sa Instagram kung saan sinabi nito na:
“Gawa ka na kasi ng baby mo matanda ka na. Hindi yung puro kalandian lang ginagawa mo. ‘Yan tuloy si Gerald Anderson nagmana sa iyo.”

Ito naman ang naging sagot ng aktor:
“Salamat sa advice and I hope because of what you said masaya ka for the rest of your day.”

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago