Ejay Falcon isa nang ganap na Philippine Air Force reservist!



Si Edward Jake Lasap Falcon o mas kilala ng publiko bilang si Ejay Falcon ay 29 na taong gulang na Filipino-French model at aktor na nakilala bilang grand winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.



Sa ngayon siya ay ganap na siyang Philippine Air Force reservist! Isa siya sa mga kilalang personalidad o artista na nagboluntaryo at nagsanay na maging isang “reservist”. Ibinahagi ng aktor na masayang masaya siya sa kaniyang naging desisyon na maging bahagi ng Philippine Air Force.


Maaalalang naging kasama din ang aktor na si Coco Martin si Ejay Falcon sa isa sa mga episode ng “Maaalala Mo Kaya” kung saan sila ay gumaganap ng mga karakter ng isang Special Action Force (SAF) member. Sa naging dalawang araw na pagsasanay nila ay tila nakaramdam ng kakaibang “calling” ang aktor sa pagsisilbi sa sariling bayan.


“Pagkatapos ng MMK namin, parang nagkaroon ako ng sepanx sa mga kasama ko, kasi, nakakuwentuhan ko sila. Sabi ko, ang sarap pala maging sundalo. Hindi ko alam kung naka-relate ako sa buhay nila nung time na ‘yun,” Pahayag ni Ejay sa naging panayam sa kaniya ng PEP.


Naging bahagi ang aktor ng 30 araw na pagsasanay. At matapos nga nito ay nagkamit siya ng titulo na Sgt. Ejay Falcon. Laking pagpapasalamat niya at talaga namang nagsilbing inspirasyon para sa kaniya ang kaniyag mga kasama sa Air Force.




“Iba kasi ang disiplina nila. Saka very dedicated sila sa trabaho, ‘yung pagmamahal nila sa bayan. Iba talaga ang disiplina nila pag nasa trabaho. Pag nandun ako, hindi naman OA, pero nakikita mo ‘yung pagmamahal nila sa bayan,” Dagdag pa niya.


AngOofficial Facebook page ng Air Force Reserve Command ay nagbahagi ng ilan sa mga larawan ng aktor sa kaniyag naging pagsasanay at nilagyan nila ito ng caption na:
“Actor Ejay Falcon undergoes Basic Citizen Military Training of the 1st Air Reserve Center under the Air Force Reserve Command of the Philippine Air Force.”




error: Content is protected !!