Angelina Cruz ipinagdiwang ang kaniyang 18th birthday sa isang “intimate dinner party”



Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Cruz ang kaniyang ika-18 taong kaarawan sa Blackbird sa Nielson Tower sa Makati City nitong nakaraang Sabado, Setyembre 28.



Ganap na ngang 18 taong gulang si Angelina nitong ika-24 araw ng Setyembre na dinaluhan ng malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilya. Dagdag pa ni Angelina ng siya ay kapanayamin ng PEP ay walang magiging programa sa kaniyang kaarawan kundi isang simple at “intimate dinner’ lamang. Ayon pa sa kaniya, nais ng kaniyang manager ng enggrandeng debut party ngunit mas ninais na lamang niya na maging simple na lamang ito.


Ilan sa kaniyang mga bisita ay sina Lorin Gutierrez, Mavy at Cassy Legaspi, at Leon Barretto. Ang kaniyang kasuotan ay likha ni Mara Chua at ayon sa kaniyag designer ang inspirasyon niya dito ay ang ‘20s flapper fashion na makikita din sa pelikulang “The Great Gatsby”.


Ang tanging hiling lamang ng dalaga para sa kaniyang kaarawan ay “kaligayahan”. Tunay ngang hindi rin nakalampas sa mapanuring mga mata ng mga netizens ang angkin niyang kagandahan na talaga namang namana niya sa kaniyang mga magulang.


Si Angelina Montano o mas kilala ng publiko bilang si Angelina Cruz ay panganay na anak ng mga kilalang personalidad sa industriya ng show business na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Siya ay naging modelo na rin at naging kilalang endorser ng Careline Cosmetics taong 2016. Noong bata pa siya ay malimit siyang tinatawag na Buching dahil sa siya ay mataba. Sikat na sikat din siya sa social media dahil sa ngayon ay mayroon na siyang higit sa 700,000 Instagram followers. Mayroon pa siyang dalawang nakababatang mga kapatid na sina Samantha at Angel. Taong 2013 naman ng maghiwalay ang kanilang mga magulang. Talaga namang isa siya sa mga hinahangaang young actress at singer sa panahon natin ngayon.






error: Content is protected !!