Heart Evangelista: “Set the table with me” video usap-usapan ngayon ng publiko!



Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero ay 34 na taong gulang na aktres, host, visual media artist, philanthropist, at socialite. Siya ay hinahangaan ng publiko hindi lamang sa kaniyang angking kagandahan at nakakamanghang talento kundi maging sa kaniyang nakakatuwang personalidad.



Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kaniyang YouTube video na umabot na ng 794,045 views. Ang nasabing viral video ay mayroong pamagat na “Set the table with me”. Ayon sa Kapuso actress hilig niya talaga ang paghohost ng mga party lalo na sa kanilang tahanan, at ang “table setting” ay isa sa pinakamahalagang parte nito lalo na sa mga espesyal na okasyon.




Sa kaniyang viral video ay ipinasilip niya sa maraming mga netizens ang kaniyang “China Room” kung saan naroon ang kaniyang koleksyon ng mga plato, baso, placemats, tea cups, at marami pang iba. Matagal nang nais ng aktres na maitampok ito sa kaniyang vlog kung kaya naman nagbigay din siya ng ilang tips at tutorial sa isang napaka-stylish na table setting.




Talaga namang marami ang napanganga sa kaniyang “Hermes Collection” na talaga namang hindi rin basta basta ang presyo. Talaga namang mamahalin ang mga gamit ng isang Heart Evangelista.
Nagsimula sa industriya ng show business ang aktres sa edad na 13 taong gulang bilang commercial model at aktres.





Sa 20 taon niya sa industriya ay talaga namang hinangaan ang kaniyang talento kung kaya hindi na nakapagtataka na mabigyan siya ng maraming mga pagkilala at karangalan. Bukod sa pagiging mahusay na aktres at host siya ay isa na ring “international and local brand endorser”, sold-out visual artist, best-selling author, fashion influencer, beauty icon, at entrepreneur.

Talaga namang hindi lamang siya maganda at talent kundi matulungin din siya at mayroong mabuting puso para sa maraming mga tao. Sa katunayan ilan sa kaniyang mga adbokasiya ay ang kalusugan at edukasyon para sa mga kabataan, mga taong mayroong espesyal na pangangailangan at pangangalaga sa mga hayop.




error: Content is protected !!