Pia Guanio, ganito pala tratuhin ang kaniyang mga kasambahay!



Ang pagtrato mo ng tama at maayos sa iyong mga kasambahay ay talagang makakapagdulot sa iyo ng maraming mga benepisyo, maaaring nahahawakan ang mga benepisyong ito o hindi. Kung kaya naman mas makabubuti na bilang isang amo ay matuto tayo nag awing masaya ang mga panahong kasama natin ang ating mga kasambahay.



Ano pa man ang kaniyang naging nakaraan sa buhay o ang kaniyang estado sa buhay, ang mga kasambahay ay nararapat lamang itrato ng maayos at irespeto. Kahit pa nga sabihin na ikaw ang amo sa inyong tahanan dapat ay alam mo pa rin ang mga bagay at ang pag-uugali na dapat mong iasal sa iyong mga kasambahay.


Para sa ilang mga tao, ang mga kasambahay ay simpleng kasama lamang sa bahay at taga-gawa ng ilang mga gawaing bahay. Ngunit para sa Eat Bulaga host na si Pia Guanio, itinatrato niya silang mga anghel ng kanilang tahanan. Si Pia Guanio ay isa sa mga hinahangaan na personalidad sa kaniyang larangan at dahil nga sa kaniyang matagumpay na karera sa buhay, laking pasasalamat niya dahil mayroong mga tao na nagiging kaagapay niya sa lumalaki niyang pamilya.


Kamakailan lamang, ang kaniyang kasambahay na si Rodalyn Oliveros ay sumali sa isang segment ng Eat Bulaga na pinamagatang “Maid in the Philippines”. Ayon kay Pia, in-enroll niya si Rodalyn sa isang cooking class kung saan matutunan niyang magluto ng mga international dishes.


Laking pasasalamat din naman nito na napakabuti sa kaniya ng mag-asawang Pia at Steve Mago. Halos dalawang taon na rin mula ng maging yaya siya ni Brooklyn, bunsong anak nina Pia at Steve. Matapos nga ang ilang buwan na pagtatrabaho ay naging all-around helper na siya sa pamilya ng Eat Bulaga host.



Napansin na ni Pia na matalino at mahusay su Rodalyn kung kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa na ipasok ito sa isang technical course upang mas mahasa pa ang kaniyang husay sa pagluluto. At matapos nga nito ay nakatanggap na siya ng certificate.




error: Content is protected !!