Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pinakilig ang kanilang mga fans sa kanilang Iceland adventure!



Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo o mas kilala ng marami bilang si Kathryn Bernardo ay 23 taong gulang na aktres, modelo, at endorser mula sa Nueva Ecija. Siya ang kauna-unahan at kaisa-isang Pilipina na bumida sa dalawang pelikula na kumita ng higit sa P800 milyong piso sa takilya.



Noong taong 2018 ay ang pelikula na “The Hows of Us” habang ang sumunod naman ay ang “Hello Love Goodbye” noong 2019. Talaga namang hindi maipagkakaila ang kaniyang tagumpay at mga natatanggap na biyaya sa kaniyang buhay at sa karera niya sa industriya ng show business.


Sa kasalukuyan ay magkasama sila ni Daniel Padilla sa kanilang bakasyon sa Iceland. Talaga namang kilig na kilig na kanilang mga fans sa mga larawan na ibinabahagi nila sa social media. Sa sampung araw nilang bakasyon sa isa sa pinakahinahangaang lugar sa mundo ay talaga namang mapapa-wow ka na lang sa kanilang mga nakita, naranasan at naramdaman sa romantikong lugar na ito.


Setyembre 29 lamang ng i-post ng aktres ang kanilang larawan ng nobyo na si Daniel habang hinahalikan niya ito sa pisngi sa ilalim ng “Northern Lights” na talaga namang pinapanmgarap ng marami sa atin. Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 670,000 likes ang nasabing post na talaga namang viral at hanggang ngayon ay kinakikiligan pa rin ng marami.


“Define magical. The northern lights decided to show up on our first day here, almost as if it was welcoming us. Thanks for showing up, Aurora Borealis! Please feel free to do so again in the coming days. We really don’t mind.” Pahayag ni Kathryn sa kaniyang post.



Maging ilan sa kanilang mga kapwa artista ay hindi rin napigilan ang magbigay ng komento patungkol sa kanilang sweetness kagaya na lamang nina Angel Locsin, Mariel Padilla, Iza Calzado, at Maymay Entrata. Mayroon din silang larawan habang nag-eenjoy sa kilalang geothermal spa sa buong mundo, ang “Blue Lagoon” na naging viral din online.

Source: Pep




error: Content is protected !!