Para sa kaniyang mister na mayroong sakit at sa kaniyang anak na mayroong espesyal na pangangailangan, isang misis nagtrabaho bilang isang Grab car driver!



Bilang isang ina, lahat na nga yata ay kayang kaya nating gawin. Kahit pa tayo ay magsakripisyo o mapagod ng husto, hindi ito makapipigil sa atin sa pagsuporta at pagmamahal sa ating mga anak at sa ating asawa. Kung kaya naman marami ang lubos na humanga sa babae na ito, na talaga namang nagpupursige at nagsusumikap para sa kaniyang mga mahal sa buhay.



Maaaring hindi na siya bata ngunit nagawa pa rin niyang makahanap ng trabaho bilang isang GrabCar driver. Siya ay walang iba kundi si Misnah Binti Chuminin. Ibinahagi ng isang netizen na si Fedtri Yahya sa social media ang kaniyang kwento na talaga namang pinuri at hinangaan ng maraming mga netizens. Ayon sa kwento niya patungo siya noon sa Labuan mula sa Kuala Lumpur, Malaysia. At siya nga ay gumamit ng Grab para sa kaniyang masasakyan.


Laking gulat niya nang isang babae pala ang nagmamaneho ng sasakyan na kaniyang inarkila at hindi isang lalaki, at tila nasa higit 60 taong gulang na ito! Dahil sa mga tanong na gumugulo sa kaniyang isipian, napag-alaman niya na marami pa lang problema ang matandang babae. Ang kaniyang mister ay mayroong seryosong karamdaman, kung kaya naman hindi na siya makapagtrabaho pa. Dahil nga sa hirap ng kanilang sitwasyon ay mas minabuti pa ng ilaw ng tahanan na magbanat ng buto bilang isang driver kaysa manghingi sa ibang tao.

Tinanggap naman siya ng Grab bilang isang driver at masaya naman siya sa kaniyan working schedule. Dagdag pa niya ay madalas siyang napapagod sa kaniyang trabaho dahil na rin sa mga pasahero niyang maraming mga bagahe ngunit sa kabila nito ay malaking pasasalamat pa din niya at nabiyayaan siya ng trabaho na ito para sa kaniyang pamilya. Dagsag pa niya, mas mainam pang magtrabaho siya at magbanat ng buto kaysa manghingi ng awa sa ibang tao. Nakakamangha hindi ba?





error: Content is protected !!