Pia Wurtzbach ipinasilip ang kaniyang magandang tahanan sa publiko!



Si Pia Angela Alonzo Wurtzbach o mas kilala ng publiko bilang si Pia Wurtzbach o si Pia Romero noon ay 30 taong gulang na aktres, modelo, at beauty queen title holder na isinilang sa West Germany. Siya ay kinoronahan bilang Miss Universe 2015 noong ika-20 ng Disyembre, 2015.



Siya ay nagwagi din bilang Binibining Pilipinas 2015 at inabot pa nga siya ng ikatlo niyang pagsubok sa nasabing kumpetisyon bago niya maiuwi ang korona. Siya rin ay kilala bilang UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia & the Pacific mula pa noong 2016. Siya na ang ikatlong Pilipina na nag-uwi ng korona mula sa prestihiyosong patimpalak na Miss Universe katulad na lamang nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz at Miss Universe 1973 Margarita Moran.




Maagang namulat sa hirap ng buhay si Pia dahil siya na ang naging “breadwinner” ng pamilya noong maghiwalay ang kaniyang mga magulang sa edad na 9 na taong gulang. Talaga namang hinangaan nng publiko ang kaniyang angking kagandahan, talent, at ang kaniyang mabuting puso. Kung kaya naman hindi na kataka-taka na mabigyan siya ng maraming mga proyekto at ito na nga ang naging simula upang makapagpundar siya ng sarili niyang tahanan.




Kamakailan lamang ay nagsilbing inspirasyon sa marami niyang mga tagahanga ang mga larawan na kaniyang ibinahagi sa kaniyag social media account kung saan ipinasilip niya ang kaniyang bagong “mid-century modern style” na tahanan sa publiko na matatagpuan sa isang condo unit sa Makati City.




Makalipas nga ang higit sa dalawang taon ay lumipat na si Pia sa kaniyang “bachelorette pad”. Marami ang namangha sa kaniyang bagong condominium unit sa “The Milano Residences” sa Makati City. Ang mga larawan na kaniyang ibinahagi sa social media ay nilagyan niya ng caption na “Moving in to my new home…”



Makikita din ang kaniyang mga awards at mga naging tropeyo sa nakalipas na panahon. Samantalang ang kaniyang make-up room naman ay itim at puti na mga kulay ang tema. “Textured white marble wall” naman ang para sa kaniyang paliguan. Ang “Heim Interiors” naman ng Hurray Interior Design Group ang kaniyang katuwang para sa pag-aayos at pagdedisenyo ng kaniyang bagong tahanan.

Source: Pep




error: Content is protected !!