Tulfo nais tulungan ang mag-asawang pulubi na ito na makabalik sa kanilang probinsiya at makapagsimula muli ng kanilang buhay, ngunit inayawan nila ito!



Sadyang napakarami na ngang mga tao ang nakatira sa mga kalsada at kalye ng mga probinsiya at maging ng ka-Maynilaan. Sa dami nga nila ay hindi na malaman pa ng ating pamahalaan kung paano masosolusyunan ang problema na ito ng kawalan ng tahanan. Ngunit akala natin ay sa ating bansa lamang ito madalas na mangyari, ito ay nararanasan din sa iba pang mga mauunlad na bansa kagaya na lamang ng Estados Unidos.



At upang magkaroon ng bahagi at solusyon sa problemang ito ay naglalayong maglunsad ang batikan na mamamahayag na si Raffy Tulfo na ilunsad sa kaniyang programa ng isang segment patungkol sa pagtulong sa mga taong kapus-palad na pinamagatan nilang “Balik-Probinsiya”.


Layon nilang matulungan ang mga pili at karapat-dapat na tao na makabalik sa kanilang lugar at doon ay masimulan ang bago nilang pamumuhay sa tulong na rin ng programa.
Isang pangkat mula sa program ni Raffy Tulfo ang naatasang maghanap ng pamilya o mga tao na matutulungan. Nakilala nila si Patoy Latimbang at ang kaniyang kapareha na si Baby Rose Villen na kasalukuyang nagdadalang tao. Sila ay naninirahan sa bangketa ng Barangay West Kamias.


Matapos manirahan sa Maynila ng sampung taon ay malugod niyang tinanggap ang alok ng programa ni Raffy Tulfo na tiket sa eroplano pauwi sa Davao City. Ngunit dahil sa mas nais ng kaniyang kinakasama na umuwi sa La Union ay pinagbigyang niya ito.



Pansamantala silang tumuloy sa isang hotel at ibinili sila ng gamit at mga damit kinabukasan. Nang balikan sila ng team ni Raffy Tulfo ay napag-alaman nila na umalis na lamang sila basta sa kanilang hotel at hindi na nila sinasagot pa ang tawag ng programa.

Inayawan nila ang alok na tulong para mapaayos ang kanilang tahanan at mabigyan sila ng kabuhayan, bagong buhay at bagong pagsisimula ni Raffy Tulfo para sa kanila at sa kanilang anak.

Source: Tulfo






error: Content is protected !!