Isang kahanga-hangang ama sinamahan ang kaniyang anak na naka-wheel chair upang kumuha ng LET!



Pinuri ng maraming mga netizens ang tatay na ito dahil sa labis labis niyang pagsuporta at pagmamahal sa kaniyang anak. Kahit pa nga matanda na ang ama ay hindi ito naging hadlang upang magabayan niya ang kaniyang anak sa pagkuha nito ng Licensure Exam for Teachers (LET).

Ang kumuha ng kanilang larawan ay si Sheila Mae Estrañero Glor na noon ay kumukuha din ng nasabing pagsusulit. Napansin niyang naghihintay ang matandang lalaki na ito sa labas ng isang silid habang kumukuha ng pagsusulit ang anak.

Ayon din sa kaniya, ang pagsusulit ay magsisimula sa ganap na 6:30 ng umaga kung kaya naman ang lahat ng kukuha ng nasabing pagsusulit ay dapat na naroon sa loob ng silid sa ganap na 5:30 ng umaga.




Sa dami ng tao noon ay hindi kaagad napansin ng babae ang matandang lalaki hanggang sa matapos siya sa una nitong subject. Ayon pa kay Shiela, nasa labas ng silid ang matanda habang may hinihintay siya rito. Nginingitian niya ang mga dumaraan sa silid na kaniyang kinatatayuan. Ang nasabing LET ay nagsimula ng 6:30 ng umaga at magtatapos sa ganap na ika-6:30 ng gabi. Karamihan sa mga kumuha ng pagsusulit ay natatapos ng 5 ng hapon.


Ganap na 5:30 nang makatapos si Sheila at naabutan nga niya ang matandang lalaki na matiyagang naghihintay sa labas at nakangiti sa kaniya habang sinasabi na hinihintay niya ang kaniyang anak na naka-wheel chair. Talaga namang labis labis ang paghanga at papuri ng maraming mga netizens sa matandang lalaki na walang sawang sumusuporta sa anak sa kabila ng kaniyang katandaan.

Narito ang naging caption ni Sheila patungkol sa mag-ama:

“Gusto kong maiyak. Dama ko yung sakripisyo ni Tatay at ng lahat ng mga magulang para sa mga anak nila. Yung kaya nilang gawin ang lahat nang walang pagkapagod o pagkainip. Isinama ko po kayo sa prayer ko, Tay. Na nawa bigyan ka pa ng mas mahaba pang buhay at mas malakas na katawan. At nawa din makapasa ang anak n’yo.”




error: Content is protected !!