Isang pulis kinuha ang nalalaglag na cellphone ng isang turista sa lawa ng Burnham Park nang walang hinihintay na anumang kapalit!



Isang batang pulis ang naging viral kamakailan lamang mula sa Baguio City nang siya ay nagkusang loob at nagmalasakit na kuhanin ang cellphone ng isang turista na nakalaglag nito sa lawa ng Burnham Park na mayroong 9 talampakan na lalim.



Hindi man nakuha ng turista ang kaniyang pangalan ay labis labis naman ang naging pasasalamat nito sa kaniya kung kaya ibinahagi nito ang ilang larawan ng pulis sa social media na umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko.


Ang turista ay nakilala bilang si Andrew Borquil Tanghal na mula pa sa Bongabon, Nueva Ecija. Gaya ng maraming mga turista na nagtutungonsa Baguio City ay nag-enjoy din ito sa Burnham Park at sumakay sa bangka kung saan kilala din ang nasabing atraksyon.


Ngunit nang siya ay pababa na ng bangka ay bigla na lamang nalaglag ang kaniyang cellphone sa ilalim ng lawa. Gusto sana niyang kuhanin ang kaniyang cellphone ngunit 9 na talampakan pala ang lalim ng nasabing lawa! Bukod pa roon ay tiyak na makati sa balat ang tubig at ang ilalim nito ay tiyak na punong-puno ng mga bote.


Mayroon isang matandang lalaki na nag-alok sa kaniyang kukuhanin ang kaniyang cellphone kung babayaran niya ito ng P1,500 na kadalasan nga ay P5,000 talaga ang halaga. Gustuhin man niyang pumayag ay hindi na sapat ang kaniyang pera puwi kung kaya naman nawalan na talaga siya ng pag-asa. Narinig naman ng isang batang pulis ang kaniyang problema kung kaya naman kinuha niya ang cellphone nito ng walang hinihingi na bayad kundi humiling lamang siya ng damit na kaniyang magiging pamalit.



Talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens ang pagmamalasakit at pagkakawang-gawa ng pulis. Isa siyang napakagandang inspirasyon sa maraming mga kabataan at alagad ng pulisya sa panahon natin ngayon. Bihira na ngayon ang mga tao na tumutulong sa kanilang kapwa ng walang hinihintay na kapalit.




error: Content is protected !!