“It’s a complicated life”, Pia Wurtzbach nagbahagi ng kaniyang saloobin sa pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan



Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay nagbahagi patungkol sa pagiging kumplikado ng buhay lalo na sa pagkakaroon ng personal na relasyon sa ibang tao. Sa kaniyang pinaka-latest na vlog sa kaniyang YouTube channel ay naging matapat siya sa pagsasabi na ayos lang naman hindi maging “okay” minsan. Minsan ay nagigising at bumabangon na lamang siya na mayroonh mabigat na dibdib at pakiramdam.



Narito ang naging pahayag ng Filipina beauty queen:
“Gusto ko maging honest, alam mo ‘yun? There are days na hindi ako okay, na paggising ko parang ang bigat ng gabi. May dinala akong bigat from kagabi tapos dinala ko today, or dinala ko sa paggising ko.”




Hindi naman nagbanggit ng pangalan o isang detalyadong pangyayari si Pia ngunit matapat siyang nagkuwento kung paanong ang mga inaasahan at pinagkakatiwalaan niyang mga kaibigan ay hindi pala totoong kaibigan.




“It’s not that I have enemies. It’s more of like, It’s a very complicated life that I live in because you don’t really know who your true friends are. Or you think you do, then turns out they’re not. Parang in the end, you don’t really know who has your back. Nadadala mo siya kahit minsan gusto mong kalimutan,” pagbabahagi ni Pia. Ayon pa sa kaniya sa ganitong mga panahon ay nagdadasal na lamang siya at itinataas sa Diyos ang lahat.


“Sa mga moments na ganito, I just pray. I pray na sana ma-let go ko ‘yung feeling na ‘yun. Sana mawala siya, sana mabura siya and then I can continue on with the day happy, happy again.”





Nagbigay din siya ng payo sa kaniyang mga tagasubaybay na ayos lang naman hindi maging “okay” paminsan-minsan. Mas mainam pa diumano na ipagpasalamat ang maraming mga biyaya at pagpapalang natatanggap natin sa araw-araw kaysa ireklamo ang ating mga pinagdadaanang pagsubok at hirap sa buhay.




error: Content is protected !!