Paolo Ballesteros gumawa ng magandang dress para sa anak niya na si Keira



Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Paolo Ballesteros ang kaniyang ginawang damit para sa kaniyang anak na si Keira Claire. Ibinahagi ni Paolo sa kaniyang social media account ang pagkakagawa niya ng magandang bisitida para sa kaniyang unica hija mula sa mga mumurahin na mga materyales. Ibinahagi niya sa social media ang larawan ng kaniyang anak habang suot suot ito at nilagyan niya ng caption na:
“Flex ko lang my junakis and my first ever dress made gamit ang sewing machine.”



Ayon pa kay Paolo, hindi biro ang pagtatahi ng isang bistida para sa kaniyang anak ngunit masaya siya dahil sa napakaganda ng kaniyang modelo at nagmukha talagang mamahalin ang kaniyang damit. Sinabi niya din na ibabahagi niya pamamaraan kung paano niya magawa ang kasuotan ng anak sa kaniyang YouTube channel.


Nasorpresa ang publiko nang ibinunyag ni Paolo na isa siyang “gay” ngunit ayon sa kaniya ay masayang masaya siya sa pagiging isang ama lalo na at marami silang pagkakamukha nila sa isa’t-isa. Sa kaniyang naging panayam sa Tonight With Boy Abunda ay naikwento niyang mahilig din umarte at mag-ayos ng sarili ang kaniyang anak.


Tunay ngang “father and daughter” tandem talaga sila! Si Keira ay nakatira sa Baguio City kasama ang kaniyang ina ngunit pumupunta din naman ito sa kaniyang ama na si Paolo tuwing Sabado at Linggo sa Maynila.



Proud na proud si Paolo sa kaniyang anak dahil sa batid niyang tanggap siya nito at mahal siya kung ano talaga siya. Madalas din na sinusuot nito ang mga heels ni Paolo, mga damit pang-babae at nagsusuot pa ng make-up.

“At saka ‘yung mga gamit ko na pambabae sa bahay, sinusuot niya ‘yung heels, nagme-makeup gamit ang mga makeup ko. ‘Pag merong Linggo ng Wika sa school, bonggang-bongga siya! Naka-false eyelashes pa, mahahaba! Mine-makeup-an kong gano’n. Gustung-gusto naman niya.” Natutuwang pahayag ni Paolo.




error: Content is protected !!