Barbie Forteza umamin na hanggang ngayon ay crush niya pa rin si Dennis Trillo habnag si Jak Roberto naman ay crush si Jennylyn Mercado



Si Barbara “Barbie” Ambas Forteza o mas kilala ng publiko bilang si Barbie Forteza ay 22 taong gulang na aktres at commercial model. Siya ay hinahangaan ng publiko dahil sa kaniyang mahuhusay na pagganap sa kaniyang mga programa sa telebisyon at pelikula. Labis na kinakikiligan ngayon ang on and off-screen love team nila ni Jak Roberto. Talaga namang sweet na sweet ang dalawa at hindi maipagkakailang bagay na bagay talaga sila sa isa’t-isa.

Kamakailan lamang ay nabunyag nga sa kaalaman ng publiko na crush pa rin pala ni Barbie Forteza ang isa pa sa mahuhusay na Kapuso artist, si Dennis Trillo. Ngunit hindi din naman nagpahuli ang kaniyang nobyo na si Jak Roberto dahil sa crush din pala nito si Jennylyn Mercado! Ayon sa magkasintahan, hindi naman malaking usapin pagdating sa kanila ang paghanga nilang ito sa kapwa nila mga artista dahil sa sobrang kampante sila sa kanilang relasyon.

…..

Mayroon pa ngang ibinahaging kwento si Jak kung saan minsan niyang hiniram ang laptop ng nobya ngunit laking gulat niya ng larawan ng aktor na si Dennis Trillo ang nakita niya sa mousepad. Agad naman niyang tinukso at kunwaring pinagpapaliwanag ang kaniyang nobya na nagsabi naman na crush o idol lang naman ang tingin niya sa nakatatandang aktor.




Humirit din naman ng panunukso si Barbie sa kaniyang nobyo at sinabing:
“Medyo nagkaintindihan kami sa part na yun, kasi crush ko si Dennis, crush niya si Jennylyn. Patas lang” Pahayag ni Barbie.


Talaga namang kamangha-mangha ang magkasintahang ito hindi lamang dahil pareho silang maganda at gwapo kundi dahil makikita mo talaga sa kanilang mahal nila ang isa’t-isa at sinusuportahan nila ang karera ng bawat isa.

Sa ngayon ay inaabangan na ng marami nilang mga tagahanga ang kanilang “Wagas Episode” na mayroong pamagat na “Wait Lang… Is This Love?” na mapapanuod mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-Eat Bulaga.




error: Content is protected !!