Janine Gutierrez nagdiwang ng kaniyang ika-30 taong kaarawan sa Paris kasama si Rayver Cruz



Sadyang nakakakilig siguro ang magdiwang ng iyong kaarawan sa “City of Love” kasama ang iyong minamahal! Talaga namang sinorpresa ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez ang kaniyang mga tagahanga nang magbahagi siya ng ilang mga larawan sa social media ng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa Paris. Makikita sa mga larawan ang sweet na sweet na bakasyon ng “rumored couple”. Sa naganap na Paris Fashion Week ay talaga namang hinangaan ng publiko ang Kapuso actress at Oktubre 2 naman ng nagtungo si Rayver sa Paris upang makasama siya. Ilan sa mga pinuntahan nilang lugar ay ang sikat na “Eiffel Tower”, “Chateau de Versailles” at ang “Louvre Museum”.



Sa kani-kanilang mga social media accounts ay ibinahagi nga ni Rayver at Janine ang kanilang mga naging masayang karanasan sa isa sa pinakamagandang destinasyon sa mundo. Binati nga ng Kapuso actor si Janine sa social media at talaga namang binaha ito ng mga nakakakilig na mensahe at tuksuhan mula sa kanilang mga kaibigan at tagasubaybay.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


“Cute niyo bro! Happy for you!” – DJ Chacha
“Happy birthday, ate. I love you both. Kilig. Hehe.” – Kyline Alcantara
“Happy birthday Janine! Love you! God bless you always. Ingat kayo diyan.” -Rodjun Cruz
“I hope you maintain that happiness in your heart. Happy birthday!” –Mula naman sa isang fan ng aktres.


Ang dalawa ay tahimik lamang pagdating sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Kamakailan lamang ay hindi na nga lingid sa kaalaman ng marami ang masugid na panliligaw ni Rayver sa aktres.
“Hinihintay ko lang ‘yong right time, ayoko kasing pilitin. Hindi ko kasi style ‘yong makulit. Alam ko kasi pag naramdaman mo na ‘yon na ‘yong right time.” Pahayag ni Rayver.



Nang tinanong naman siya kung magiging proud ba siyang ibahagi sa publiko kung kasaling maging opisyal na nga silang magkasintahan, ito ang naging pahayag niya.
“Oo. Siyempre, ngayon pa nga lang proud na proud na.” Ani Rayver.




error: Content is protected !!