Pangulong Rodrigo Duterte, binalaan ang lalaki na ipinakilala sa kaniya ng bunsong anak nito na si Kitty



Tunay ngang mapagmahal ang mga magulang sa kanilang mga anak. Kahit ano pa man ang kanilang ugali o ninanais gawin sa buhay, ang mga magulang ay nasa likuran lamang ng kanilang mga anak upang maging gabay at upang maging patnubay sa kanila.



Hindi rin naman iba dito ang ating Pangulo na si Presidente Rodrigo Duterte sa kaniyang anak na si Kitty. Sa isang event na pinuntahan ng pangulo ay nagbahagi ito patungkol sa pagiging ama niya sa kaniyang mga anak na babae. Ikinuwento ng presidente ang pagpapakilala sa kaniya ng kaniyang bunsong anak na si Kitty ng isang lalaki na highschool student na nag-aaral sa Davao City.




Ayon sa pangulo, nagdala ng lalaki ang kaniyang 14 anyos na anak na si Veronica sa kanilang tahanan upang maipakilala sa kaniya. Agad naman sumagot ang ama na walang problema kung makikila niya ang lalaki na sinasabi ng mahal na anak.




“Sabi ko, ‘Ano ka ba?’ High school pa, parang mag-graduate na, going to college. Tapos, nung usap, sabi ko, ‘Yang anak ko, kaisa-isa ‘yan sa aking asawa na si Honeylet. Mahal namin ‘yan, ngayon gusto mo akong makilala, at least, madali kitang hanapin.” Pahayag ng Pangulo.





“Sabi ko sa kanya, ‘My daughter is very young and we love her very much.’ You know, para sa aming mga tatay. I will not talk about the mother because I don’t know what they are feeling of being a woman sa anak niya, pero ako mahal ko ‘yan. Sabi ko, ‘Just be patient, bata pa ‘yan.’ Sabi ko, ‘No physical. Basta huwag mong hawakan maski kamay, okay? She’s only fourteen.” Pagkukwento pa ng Presidente.
Napag-alaman din ng pangulo na 17 taong gulang pa lamang ang estudyante kung kaya naman sinabihan niya itong huwag hahawakan maski ang kamay ng kaniyang anak na ikinatawa naman ng mga bisitang nakarinig nito.


“‘How old are you?’ Sabi niya, ‘Seventeen.’ Sabi ko, ‘Huwag mong hawakan ang kamay. Huwag mong halikan ‘yan, hindi pa puwede at hindi sawsawan ‘yan. Huwag na huwag mong gawin. Tinitingnan ko, ‘Kapag ginawa mo ‘yan… I hope that you remember that for all time.” Dagdag pa ng Pangulo.




error: Content is protected !!