Silipin ang dream house ni Alden Richards sa Laguna na talaga namang ubod ng ganda!



Isa na nga yata sa pinakilala at pinakahinahangaang artista ng henerasyon ngayon ay ang Kapuso actor na si Richard Reyes Faulkerson Jr. o mas kilala ng publiko bling si Alden Richards. Siya ay 27 taong gulang na aktor, TV host, product endorser, businessman at recording artist.



Nauna na siyang sumikat noon kasabay ng Internet Sensation at Phenomenal Kaouso actress na si Maine Mendoza sa tambalan nilang AlDub. Kamakailan nga lamang ay muli niyang pinahanga ang maraming mga Pilipino nang pagbidahan nila ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na tumabo ng higit sa P800 milyong piso sa takilya.


Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na makapagpundar siya ng ilang mga ari-arian tulad na lamang ng kaniyang dream house sa Laguna. Ang dream house ng aktor ay matatagpuan sa isang subdibisyon sa Laguna. Pangalawa na si Alden sa nagmamay-ari ng bahay at lupa na ito.


Nakatayo dito ang bahay ni Alden at plano na ring mas pagandahin pa ito sa tulong na rin ng isang arkitekto at interior designer. Siya rin ang pumili sa karamihan sa kaniyang mga furniture at iba pang gamit sa bahay.



Labis labis ang pasasalamat ng aktor dahil sa wakas ay naipundar na din niya ng bahay ang kaniyag pamilya kung saan mayroon pang sariling mga kwarto ang kaniyang lolo at lola. Talaga namang napaka-elegante ng kaniyang tahanan at sa labas pa lamang nito ay hindi maipagkakaila na pinaghirapan talaga itong buuin.

Sa sala naman ng kaniyang tahanan ay gumamit sila ng mga maliliwanag at maaaliwalas na kulay at talaga namang nakakaingganyang kumain lalo na kung mayroon silang mga bisita rito. Ang kulay abo na sofa ay talaga namang nakadagdag din ng ganda sa bahaging ito ng kanilang bahay.



Mayroon din silang lamesa sa gitna ng kanilang sala o coffee table na galling sa Tagaytay. Nasa walong katao naman ang kanilang dining table na pinasadya pa ng aktor. Ang kanilang hapag-kainan ay nakakonekta din sa kanilang hardin at lanai.




error: Content is protected !!