Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sweet na sweet sa kanilang Iceland adventure!



Sino ba naman ang hindi nangangarap na marating ang napakaganda at di makapigil hiningang Iceland? Kamakailan lamang ay kinakiligan ng marami ang pamamasyal at bakasyon ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.



Talaga namang quality bonding time ang sampung araw na pamamasyal ng magkasintahan sa “Nordic country”. Isa nga sa mga post ng Kapamilya actress ay larawan ng kaniyang nobyo at ang paborito niyang tsokolate. Narito ang naging caption niya sa kaniyang Instagram post:


“Three of my favorites in one photo: hot chocolate, nature, and my love. How did I get so lucky?” Pahayag ni Kathryn. Mayroon ding ibinahaging larawan ang aktres kung saan makikita ang kamangha-mangha at napakagandang “mountain ranges” ng Iceland. Narito naman ang naging caption ng “Hello, Love, Goodbye” star:


.
“Iceland, you are unbelievable.” Komento ng aktres na manghang mangha sa angking ganda ng lugar. Ilan pa sa mga nakakamanghang tanawin na kanilang nasaksihan ay ang kulay “pink” na paglubog ng araw, at ang makapigil hiningang mga talon kung saan kilala din ang Iceland. Ayon sa post ng aktres, apat na sa maraming mga talon na ito ang kanilang napuntahan ng nobyong si Daniel.


Sadyang napakapalad ng magkasintahan dahil sa unang araw pa lamang nila sa Iceland ay pinamangha na sila ng isa pa sa pinakakilalang tanawin dito, ang “Northern Lights”.


Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo ay 23 taong gulang na aktres, modelo, endorser, recording artist at businesswoman. Ilan sa mga proyektong kaniyang ginawa ay ang TV series na Mara Clara (2010–2011). Siya ay bumida din sa TV series na Princess and I (2012–2013), Got to Believe (2013–2014), Pangako Sa ‘Yo (2015–2016) at La Luna Sangre (2017–2018). Ilan sa mga pinagbidahan niyang pelikula ay Way Back Home (2011), Must Be… Love (2013), She’s Dating the Gangster (2014), Crazy Beautiful You (2015), Barcelona: A Love Untold (2016), Can’t Help Falling in Love (2017), The Hows of Us (2018), Three Words to Forever (2018), at Hello, Love, Goodbye (2019).



Source: Pep




error: Content is protected !!