Tinalikuran siya ng kaniyang principal at paaralan nang mawalan siya ng mga kamay ngunit siya ay naging isang mahusay na pintor!



Nang mawalan ng mga kamay si Dhaval Khatri noong labing-apat na taong gulang pa lamang siya ay inakala na niyang tapos na ang kaniyang mga pangarap. Naging malaking kawalan ito sa kaniya ngunit nang sumailalim siya sa ilang mga training sessions kasama ang kaniyang ina ay natutunan niyang gamitin ang kaniyang mga braso bilang kaniyang mga kamay at natuklasan niya ang kaniyang talento sa sining.



Sa ngayon, siya na ang isa sa pinakasikat na pintor sa India. Malimit ngang kinukomisyon siya ng maraming mga kliyente dahil sa kaniyang kamangha-mangha at tila makatotohanang pagguhit ng maraming mga likhang sining.




Si Dhaval ay nasa “terrace” noon ng bahay ng kanilang kamag-anak upang ma-enjoy ang isa sa pinakamalaking festival sa India, Uttarayan o mas kilala ng marami bilang International Kite Festival. Habang nagpapalipad ng saranggola ay aksidente niyang nahawakan ang isang “live wire” na naging dahilan upang tumapon siya sa lupa.




Nawalan na ng tibok ang kaniyang puso noon at maaari na nga siyang bawian ng buhay buti na lamang at mayroong isang doktor na napadaan sa pinangyarihan ng aksidente. Ang nasabing doktor ay agad na tinulungan ang batang si Dhaval habang ang kaniyang pamilya ay naghahandang isugod siya sa ospital.





Hindi na naisalba pa ang kaniyang dalawang mga kamay at talaga namang naging mahirap na ang kaniyang buhay simula noon. Sa kabila ng kaniyang mga pinagdaanan sa buhay naintindihan naman niya na mapalad pa rin siya at siya ay nabuhay pa dahil na rin sa doktor na tumulong sa kaniya.

Labis ding naging hamon para sa kaniya ang pagtalikod at pagmamaliit sa kaniya ng kaniyang prinsipal at paaralan. Ngunit sa kabila noon ay nanatili siyang positibo sa buhay na nagsilbing inspirasyon sa maraming mga tao na katulad niyang may kapansanan din at may mga pagsubok na pinagdaraanan sa buhay. Talaga namang mamamanngha ka sa ganda ng kaniyang mga obra maestro.




error: Content is protected !!