Categories: NewsShowbizViral

“We all have our personal reasons”, Pahayag ni Heart Evangelista para sa mga taong pilit na nagtatanong kung kalian siya magkakaanak!

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas kilala ng publiko bilang si Heart Evangelista-Escudero ay 34 na taong gulang na aktres, modelo, visual media artist, philanthropist, at socialite. Isa siya sa pinakahinahangaang aktres ng kaniyang henerasyon dahil hindi lamang siya maganda at mahusay na aktres kundi mayroon din siyang mabuting puso lalo na sa mga hayop, sa mga bata, at sa mga kababaihan.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng publiko ang kaniyang naging pahayag patungkol sa maraming beses na pagtatanong sa kaniya at sa ilang mga kapwa niya artista kung kalian nga ba sila magkakaanak.

Para sa kaniya, kahit pa 34 taong gulang na siya, ang pagkakaroon ng mga anak na isang napakalaking biyaya at pagpapala mula sa Maykapal ay isang maselang paksa lalo na para sa kaniya na nakaranas na ng “miscarriage”. Ayon pa sa kaniya, marapat lamang na mas maging mabait sana tao sa isa’t-isa o mas maging sensitibo sa mga ganitong uri ng usapin.

“I think we have to stop being at each other’s backs or down our throats all the time about something so personal,” Ito ang naging pahayag niya noon sa PEP sa nakaraang launching ng kaniyang Love Marie Collection para sa isang mobile phone brand nito lamang Oktubre 3.

Sa event na ito ay hiningian siya ng komento patungkol sa naging pakiusap ni Anne Curtis sa mga media at press patungkol sa hindi nila naaalintanang pangungulit sa ilang mga kilalang kababaihan kung kalian nga ba sila mag-aasawa o di kaya naman ay kung kalian sila magbubuntis. Marami ang nagtatanong kay Anne kung kalian nila plano magkaroon ng anak ng mister na si Erwann Heussaff dahil sa magdadalawang taon na rin silang kasal. “Some people, they work for their family. May mga pinapaaral sila, and they have their sacrifices. It’s not that they don’t want to have a baby. You’ll never know.” Pahayag pa ni Heart.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago