Jinkee Pacquiao ipinasilip ang loob ng kaniyang elegante at magarang van!



Si Jinkee Capeña Jamora-Pacquiao o mas kilala ng publiko bilang si Jinkee Pacquiao ay 40 taong gulang na pulitiko, socialite, media personality at occasional film producer na nakapaglingkod na din bilang bise-gobernador ng Sarangani mula 2013 hanggang 2016.



Siya ay kilala rin bilang misis ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na nagdala na ng napakaraming pagkilala at parangal sa ating bansa. Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa social media ang loob ng kaniyang magarang sasakyan.


Ito ay naganap noong ika-5 araw ng Oktubre noong siya ay magkaroon ng “Saturdate” kasama ang kaniyang mga anak na sina Michael, Mary Divine Grace, at Queen Elizabeth. Sila ay nagtungo sa Power Plant Mall sa Makati City lulan ng mamahaling sasakyan na ayon sa ilang ulat ay isang Hyundai Starex.


Talaga namang aakalain mong sakay ka ng isang pribadong eroplano kapag nasilayan mo ang loob nito na mayroong “quilted leather” na mga upuan na mayroong “ottoman” at komportableng mga “headrest”.



Mayroon din itong “interior roof lightning” na talaga namang ubod ng ganda! Maraming mga netizens ang talaga namang napanganga sa pagiging elegante ng sasakyan ng pamilya Pacquiao. Umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko ang mga larawang ibinahagi ni Jinkee sa social media. Marami sa kanila ang nagbigay ng kani-kanilang mga komento sa nasabing mga larawan. Marami din ang nagpahayag ng kanilang paghanga at pagsuporta sa pamilya Pacquiao.


Noong Oktubre 2018 at Mayo 2019 nang ang “Hummer” na ito ay mamataan sa social media account ni Jinkee. Talaga namang hindi na matatawaran ang tagumpay at dami ng ari-arian ng pamilya Pacquiao na hindi din naman lingid sa kaalaman ng maraming mga Pilipino na nagsimula rin naman sa mababa at nakaranas din ng maraming pagsubok at hirap ng buhay.

Ngunit sa kabila nito ay naging matagumpay sila dahil sa kanilang pagsusumikap at pagtulong sa mga taong nangangailangan at hirap sa buhay.