Panukalang batas para sa mga misis na magkokontrol sa ATM card at sahod ng kanilang mga mister o partner pananagutin na sa batas!



Naging kasanayan na ng maraming mga pamilya sa atin ang pamahalaan ng mga ilaw ng tahanan ang pagbabudget sa tahanan kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mayroong mga mag-asawang sanay na sa kalakaran kung saan ang misis ang siyang magtatago ng buong sweldo o di kaya naman ay ang ATM ng mister.



Dahil sa sila ang nag-aasikaso ng kanilang tahanan at siya ring nagbabudget sa mga gastusin sa bahay at ipinapaubaya na lamang ng ilang mga mister ang kanilang kita sa mahal nilang asawa. Ngunit kamakailan lamang ay naging maugong na usap-usapan nga ang pagsusulong ng batas kung saan pananagutin na ang mga misis na nagkokontrol ng ATM card o ng sahod ng kanilang mga partnero mister. Mayroong isang mambabatas na nagpanukala na papanagutin sa batas ang mga misis na humahawak sa automated teller machine (ATM) card ng kanilang mga asawa para makontrol ang kanilang mga sweldo. Siya ay walang iba kundi ang Rizal 2nd District Representative na si Juan Fidel Felipe Nograles.


Ayon sa mambabatas ay naabuso ang karapatan ng isang lalaki kapag “financially dependent” na lamang sa kaniyang kapareha. Nawawalan na rin ng kaparatang matugunan ng ilang mga mister ang kanilang sariling pangangailangan nang dahil dito. Si Rep. Nograles ang may akda ng House Bill No. 4888.

“Classic example dito ay ‘yung pagkuha ng ATM card ng partner, pagkuha ng lahat ng sweldo, tapos hindi bibigyan ng pagkakataon ‘yung partner na bumili o magdecide ng kanyang mga sariling gastusin,” Pahayag ng mambabatas.
“Sa panahon ngayon, hindi lang women and their children ang nangangailangan. Kapag naging mainstream na itong issue ng mga naabusong mister, tataas na rin po ang bilang nung mga lalapit sa media at hihingi ng tulong sa pang-aabuso.” Dagdag paliwanag pa nito. Sa nasabing panukalang batas, ang salitang “partner” ay sumasakop din sa mga partner sa hanay ng LGBTQ+ community.





error: Content is protected !!