Andi Eigenmann, nakapagbawas na ng timbang matapos manganak, muli nang sinubukan ang surfing!

Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas kilala ng publiko bilang si Andi Eigenmann ay 29 na taong gulang na aktres at modelo. Siya ay anak ng yumaong si Mark Gil at batikang aktres na si Jaclyn Jose. Nobyember 2011 nang isilang niya ang anak na si Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann sa dating nobyo na si Jake Ejercito. Nito lamang Hulyo ay isinilang naman niya ang ikalawang anak na si Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann sa kaniyang partner na si Philmar Alipayo.

Kamakailan lamang ay nagbahagi siya sa social media patungkol ka sa kaniyang pagbabawas ng timbang at pag-aalaga sa kaniyang katawan. Hinangaan ng publiko ang kaniyang pangangalaga sa kaniyang katawan lalo na at kakapanganak pa lamang nito wala pang tatlong buwan ang nakalilipas.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng publiko na hilig niya ang “surfing” kung kaya naman excited itong makapag-surf muli matapos niyang manganak at magpagaling. Sa kaniyang mga Instagram stories ay makikita ang kaniyang mga “work out routines” na sinamahan pa niya ng mga “diet plans”.


Talaga namang nagsisilbi siyang inspirasyon para sa mga katulad niyang kapapanganak lamang. Ayon pa sa kaniya, hindi man niya maibalik ang dati niyang pangangatawan ay masaya pa rin siya dahil sa alam niya sa kaniyang sarili na ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maalagaan ang sarili niyang katawan at kalusugan. Prayoridad niya ang maging “best version” ng kaniyang sarili sa halip na maging payat o magig sexy sa mata ng publiko.

Hindi man niya maibalik ang dating katawan niya ay masaya pa rin siyang makita at gawing inspirasyon ang kaniyang mga lumang larawan kung saan makikita ang kaniyang maganda at balingkinitang pangangatawan. Sa ngayon ay masaya at tahimik silang naninirahan ng kaniyang mga anak na sina Ellie, Lilo, at ang nobyo niyang si Philmar sa Siargao, Surigao del Norte.

Source: Pep



error: Content is protected !!