Bonggang regalo para sa mga guro ng Makati City, usap-usapan ngayon ng publiko!

Hindi na nga lingid sa kaalaman ng marami sa atin ang naging pagdiriwang para sa Teacher’s Day bilang pagkilala at pag-alaala sa dakilang propesyon ng mga guro. Marami sa ating mga guro ang nakatanggap ng mga munting regalo mula sa kanilang nga estudyante at maging sa mga tao sa kanilang paligid. Kamakailan nga lamang din ay naging maugong na usap-usapan ng publiko ang magarbong regalo ng lokal na pamahalaan ng Makati City para sa kanilang mga guro.

Ito ay matapos ibahagi ng isang netizen ang nakuha niyang regalo mula sa Makati City government nito lamang nakaraang Linggo. Siya ay nakilala bilang si Rona Caranto Ferrer. Maaalalang naging viral din noon ang mga post patungkol sa espesyal na regalo ng lokal na pamahalaan ng Makati para sa mga mag-aaral na papasok sa kanilang eskwela. Matapos i-enroll ang kaniyang anak sa isang pangpublikong paaralan ay nakatanggap ito ng libre at kumpletong gamit pang-eskwela na talaga namang ikinatuwa ng mga mag-aaral at kani-kanilang mga magulang.

At ngayon nga ay espesyal na “teacher’s kit” naman ang natanggap ng mga guro mula sa Makati City government. Ang mga guro sa Makati ay nakatanggap ng voice amplifier, wireless presenter, 64 GB flash drive, first aid kit, teacher’s planner, students’ data record, bag, tumbler, school supplies, at Makatizen jacket.


Isang guro pa mula din sa Makati City ang nakatanggap ng pa-Teacher’s Day gift ng kanilang lokal na pamahalaan na nakilala bilang si Jerald Balite na nagbahagi din ng ilang mga larawan sa kaniyang social media account. Ito ay dahil na rin sa pangunguna ng kanilang Alkalde na si Mayora Abby Binay. Bukod pa nga sa mga ito ay binigyan din ang mga guro ng isang relaxation package kagaya na lamang ng libreng movie tickets at ilang gift certificates para sa Ayala Malls cinemas. Talaga namang maraming mga netizen ang namangha rito at napa-“sana all” sa pagiging mapagmalasakit ng kanilang city government.



error: Content is protected !!