Child star noon na si Timothy Chan isang napakagwapong binata na ngayon!

Ang child star noon na si Timothy Chan ay pinagkakaguluhan ngayon sa social media dahil sa nakakamanghang transpormasyon nito. Ang kaniyang hitsura ay talaga namang nabago mula sa cute na cute na child star noon ay talaga namang binatang-binata na siya. Sampung taon na ang nakaraan ng mapanuod natin ang unang episode ng popular primetime seris na “May Bukas Pa”. Ginampanan niya ang karakter ni Rico, ang kontrabidang bata na kalaunan ay naging kaibigan ni Santino na ginampanan naman ni Zaijan Jaranilla.

Hindi man siya naging aktibo hanggang sa ngayon sa social media ay hindi pa rin naman nakakalampas sa publiko ang kaniyang mga naggugwapuhang larawan. Ilan sa mga larawan niya ay humakot ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Ilan sa mga ito ay ibinahagi sa social media ng isang Kamaring Tan.

Ito ang naging caption ng netizen:
“Remember Timothy Chan? The kid from Goin’ Bulilit and mayor’s son who always consider Santino as his rival in May Bukas Pa,” Pahayag ng netizen.
Ang nasabing post ay umani na ng higit sa 26,000 na mga reaksyon at 51,000 na mga shares mula ng ibahagi ito sa social media noong Oktubre 5.

Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizen patungkol sa napakagwapong transpormasyon ng child star na ito:

“Nag-level up siya super,” ayon kay RJE.

“Sana oil ganiyan tamaan ng puberty. Kagwapo,” pahayag naman ni FC sa comment section.

“Sana may upcoming projects siya sa ABS-CBN,” sambit naman ni LDC.


Marami na tayong nakitang mga pagbabago o transpormasyon sa mga kilalang personalidad noon na talaga namang nagpamangha sa marami sa atin. Bagamat marami na sa mga child stars noon ang hindi na aktibo sa show business ngayon ay marami pa din sa kanilang mga tagahanga ang nasusubaybayan sila sa kani-kanilang mga social media accounts kung saan ibinabahagi nila ang mga bagong kaganapan sa kanilang mga buhay.



error: Content is protected !!