Gladys Reyes sinabing mas mabuti nang maging “first” at “last” ang kaniyang mister na si Christopher Roxas



Ayon sa beteranang aktres na si Gladys Reyes, pagdating sa paghahanap ng tunay na pag-ibig ay mas mainam na maging una at huli na ang iyong minamahal. Ang aktres ay kasal sa kaniyang mister na isa ring artista na si Christopher Roxas nang higit na sa 25 taon ngayon, pangarap nila na pagdating ng araw ay makatagpo rin ang kanilang mga anak ng mga taong mamahalin nila at magiging una at huling pag-ibig ng mga ito.



Sila ay nagkakilala at nagkaroon ng espesyal na pagtitinginan bilang teen stars sa TV drama series na “Mara Clara”. Enero 2018 nang mag-renew ng kanilang marriage vows. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang nagmamahalan at nagiging matatag na pamilya sa piling ng kanilang apat na mga anak. Sa ngayon ay gumaganap ang batikang kontrabida sa GMA TV series na “Madrasta”, kung kaya naman natanong din siya kung ayos lamang ba sa kaniya na magkaroon ng nobyang “madrasta” ang kaniyang mga anak.


Ayon sa kaniya, kung sakaling magkakaroon ng karelasyon ang kaniyang mga anak ay mas nanaisin niyang maging kagaya ito ng pag-iibigan nilang mag-asawa. Narito ang kaniyang naging pahayag:
“Hindi po sa nagsasalita ako ng tapos na ayoko mag-end up ang anak ko na may madrasta pero mas maganda iba kasi siyempre yung naging experience ko, ‘di ba, kami ni Christopher, talagang first and last gano’n iba eh.” Pahayag ni Gladys.


“Tinatanong nga ako paano kapag may girlfriend eh 13 lang siya, sabi ko kailangan makilala ko siya at makilala niya ako so let’s see pero hindi naman po lalo na iba na panahon ngayon.” Dagdag pa niya.


Sa bagong TV series ngayon ng GMA na mayroong pamagat na “Madrasta,” gagampanan niya ang karakter ni Dr. Elizabeth, ang ina ng lead character ni Sean, na ginagampanan naman ni Kapuso actor at host Juancho Trivino.






error: Content is protected !!