Ion Perez PDA sa birthday celebration ng nanay ni Vice Ganda!



Hindi na nga maipagkakaila na isa sina Ion Perez at Vice Ganda sa mayroong pinakamasayang puso sa ngayon. Tila hindi na nga mapipigilan pa ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa na mapapansin rin sa mga social media posts at videos na ibinabahagi nila sa kanilang mga tagasuporta.

 

View this post on Instagram

 

HOI NILAGYAN NIYA FOOD PLATO NI ION ??????

A post shared by marie and benigno (@viceionprz) on



Kamakailan lamang ay muli na namang kinilig ang mga netizens sa diumano ay pagiging PDA ni Ion kay Vice sa isang restawran kung saan ipinagdiwang nila ang kaarawan ng kaniyang ina na si Rosario Viceral. Isa nga si Ion Perez sa mga dumalo sa intimate dinner para sa ika-74 na taong kaarawan ng nanay ng “Unkaboggable Star”.


Namataan ng mga netizens ang sweet na gesture ni Ion kay Vice sa isa sa mga videos na pinost ng komedyante sa kaniyang Instagram story nito lamang Linggo, Oktubre 6. Bukod kina Vice, Ion, at kay Nanay Rosario ay kasama din nila ang dalawang pamangkin ng It’s Showtime host at tatlo pa nilang mga kaibigan. Habang kinukuhanan ni Vice ng video ang nasabing pagtitipon ng pamilya ay nahagip niya ang kaniyang katabing si Ion na nakaakmang hahalikan ito. Bahagya namang dumampi ang labi ng binata sa komedyante.

 

View this post on Instagram

 

HOIIII AHSHSHAHAJA ????

A post shared by marie and benigno (@viceionprz) on


Ilang mga videos pa nga ang usap-usapan ngayon dahil sa pagiging sweet din naman ni Vice sa binata na nilalagyan pa nito ng pagkain sa kaniyang plato. Kapansin-pansin din ang pag-asikaso ni Vice sa mahal niyang ina na si Nanay Rosario. Talaga namang umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa mga netizens ang sa kanilang mga fans ang mga videos na ito ng “rumored couple”. Kahit pa nga hanggang ngayon ay tila wala pa ring label ang kanilang pagtitinginan, hindi naman na maikukubli pa ang kilig na dulot nila sa isa’t-isa at ang inspirasyong dala-dala nila para sa marami pang mga tao na nais magmahal at nais na mahalin rin sila pabalik ng tao na kanilang tinatangi.




error: Content is protected !!