Ipinagbabawal na ni Mayor Isko Moreno ang pagbebenta ng mga secondhand na cellphone!



Nitong Lunes lamang, Oktubre 7, 2019 ayon na rin sa pahayag ng Manila Public Information Office ay ipinag-utos na nga ni Mayor Isko Moreno na bawal na ang pagbebenta ng mga second hand o segunda mano na mga cellphone sa buong ka-Maynilaan lalong lalo na sa mga mall na tumatanggap pa at bumibili ng mga nakaw na cellphone. Isa sa mga pinagsabihang mall ng alkalde ay ang “Isetann Mall” sa Recto, Maynila na maaari silang ipasarado kung sila ay patuloy na tatanggap ng mga nagtitinda ng segunda manong cellphone na malimit ay mula sa masasamang mga kamay o mga nakaw.



Narito naman ang ilang reaksyon ng mga netizens patungkol sa nasabig usapin:

“Modus kasi iyan. Diyan ibinebenta ang mga nakaw na cellphone. Tapos kapag nabili na, nanakawin ulit at ibebenta ulit. Saan ka naman nakakita ng ganiyang sistema.”


“Babalik at babalik pa rin yan. Mga STL nga nakikita ko pa rin naka–open. Kailangan po dapat may nagmomonitor kahit once a week or twice a week lang para sure po na malinis na talaga ang Maynila.”


“Naranasan namin na ipinipilit sa amin yung cp na bilhin na raw namin, mainit–init pa at kakahablot lang yata, diyan iyon sa harap ng Isetann, kaya ayaw na naming maglakad–lakad diyan.”
“Kawawa naman ang hindi maka–afford ng bago tulad sa akin umaasa lang ng secondhand!”

“Good idea. Para mabawasan ang mga mandurukot. O mas maganda kung complete papers dapat. Pero malamang hindi mapatupad yung complete papers. Hehe.”



“Along Recto, simula sa Avenida hanggang sa F. Torres St., yung sa hanay ng McDo. Daming mandurukot diyan sa area, simula sa Aranque Market. Mandurukot, tapos yung mga cellphone na nadukot, diyan din nila ibebenta sa mga stalls diyan sa area na nabanggit ko.”

Sa hirap ng buhay ngayon at mahal ng mga bilihin ay talaga namang pinapatos na din ng marami sa atin ang pagbili ng mga ganitong uri ng cellphone dahil sa talaga namang mas mura ang mga ito kumpara sa mga ibinebenta sa mga mall. Ngunit bilang mga mamimili at responsableng mamamayan ng bansa ay marapat din naman na maging mapanuri tayo sa maraming mga bagay na maaaring makapagdulot ng hindi magandang epekto lalo na sa ibang tao.




error: Content is protected !!