Rambo Nuñez, nagbigay ng nakakakilig na mensahe para sa kaniyang nobya na si Maja Salvador

Talaga namang “love is in the air” sa sweet na sweet at nakakakilig na magkasintahang ito na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez. Nitong mga nagdaang buwan ay tila hindi na nga maawat sa ka-sweetan ang dalawa. Malimit silang nagbabahagi ng mga sweet photos nila sa kani-kanilang mga social media account. Maaalalang nagpaunlak pa nga si Maja ng “Question and Answer” vlog para sa kaniyang tagasuporta patungkol sa kanilang relasyon ngayon ng nobyo.

Hindi rin naman pinalampas ni Rambo ang kaarawan ni Maja at marami siyang sinabi sa kaniyang “love”. Ang kilalang “businessman” ay nagbahagi ng kaniyang mensahe para sa kasintahan ngunit hindi lamang ito tungkol sa kung gaano niya kamahal ang aktres kundi kung gaano ito kabuting tao.

“Having you back was one of the best things that ever happened in my life. You have been my constant source of happiness, inspiration, love, and contentment. I am very proud of what you have achieved and for doing everything with the best intentions. You have a very wonderful heart and everyone around you knows that. I am so blessed to have you. Happy birthday, my love! So glad that we now get to spend your birthday together. I love you,” Pahayag ni Rambo para sa kaniyang minamahal.
Ilang araw bago ang mismong kaarawan ni Maja ay naghanda ng surprise birthday party para sa kaniya ang nobyo. Isang intimate celebration ang naganap na dinaluhan ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ni Maja. Ilan sa kanila ay sina Kakai Bautista, Adrian Alandy at iba pa. Siyam na taon na ang nakakaraan ng maging magkasintahan sina Maja at Rambo at ngayon nga na muli silang pinagtagpo ng tadhana ay sigurado sila na hindi na sila muling maghihiwalay pa.

“Kung ano yung ‘di nag-work before, I’m sure dun sa 9 years na ‘di tayo magkasama, ‘yun na ‘yung natutunan natin, kung paano hindi na mangyari ‘yun.” Pahayag ni Rambo na sinang-ayunan din naman ni Maja.



error: Content is protected !!