Silipin ang napakaganda at napakagarang bahay-bakasyunan ni John Estrada sa Cavite

Ipinasilip na nga nina John Estrada at Priscilla Meirelles sa publiko ang napakagarbo at napakaganda nilang vacation home. Ang kanilang bahay-bakasyunan na ito ay matatagpuan sa Orchard Residential Estates Golf and Country Club sa Dasmariñas, Cavite. Talaga namang mapapa-wow ka sa ganda ng mga tanawin sa property nilang ito. Ang loob ng kanilang tahanan ay talaga namang mayroong “modern” at “sleek interiors” na mayroong “neutral” na mga kulay.

Isang larawan nina John Estrada kasama si Priscilla at ang kanilang anak na si Anechka ang nagpapakita ng kanilang napakaluwag na “living room” at ikalawang palapag. Mayroon ding malaking “glass door” patungo sa kanilang swimming pool na mayroong overlooking view ng “orchard” at “golf course”. Ang kanilang pool ang isa sa pinakapaboritong lugar ng aktor sa kanilang vacation house. Mayroon din silang “photo wall” kung saan makikita ang mga larawan at alaala ng kanilang pamilya.


Sa master’s bedroom naman makikita ang berdeng kulay ng golf course sa malalaking mga bintana nito. Palagian ding excited ang aktor sa pagsapit ng Sabado at Linggo dahil sa ito ang panahon ng kanilang pagbabonding buong pamilya. Narito ang kaniyang naging caption sa larawan nilang mag-ama na kaniyang ibinahagi sa social media:


“This is one of the reasons why I love weekends. I miss my other kids but forgot they are not in their teens anymore and have their own lives already. Happy Sunday everyone!” Pahayag ng aktor.

Ipinagdiwang ni John at ng kaniyang misis ang kanilang ika-walong taong anibersaryo bilang mag-asawa na kanilang ipinagdiwang sa Boracay at kasabay din nito ang ika-7 taong kaarawan ng kanilang anak na si Anechka. Narito ang naging pahayag ni John sa naging pagdiriwang nila:


“Married for 8 years today and 11 years together. I love you baby. She is amazing. I’m truly blessed to have her. Road to forever. Salamat Panginoon.” Pahayag ni John.



error: Content is protected !!